Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, nagpasalamat sa Eat Bulaga

Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, ilan pang artista nagpasalamat sa Eat Bulaga: ‘Hanggang sa muli, Dabarkads!’

Pauline del Rosario |June 01,2023
facebook
share this

Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, ilan pang artista nagpasalamat sa Eat Bulaga: ‘Hanggang sa muli, Dabarkads!’

Pauline del Rosario - June 01, 2023 - 02:13 PM

Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, ilan pang artista nagpasalamat sa Eat Bulaga: ‘Hanggang sa muli, Dabarkads!’

Maine Mendoza, Ice Seguerra, Rochelle Pangilinan, Pauleen Luna

BUKOD sa Dabarkads, bumuhos din sa social media ang mga madamdaming mensahe mula sa iba pang mga artista na naging parte ng “Eat Bulaga.”

Ito ay matapos pormal nang ipinabatid nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa publiko na lilisanin na nito ang TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng Eat Bulaga host na si Maine Mendoza ang ilang favorite memories niya sa nasabing show.Caption pa niya, “hanggang sa muli, dabarkads. Maraming salamat, @eatbulaga1979.”

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umaming magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng TV personality na si Ice Seguerra dahil sa nangyari.

“Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalukungkot akong umabot sa ganito,” paliwanag ng aktor sa Instagram post.

“Pero masaya ako dahil malaya na sila. Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa. Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad,” aniya.

Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’, Tito, Vic & Joey tuloy na ang paglipat ng TV network, true bang mapapanood nang sabay sa TV5 at Kapamilya Channel?

“Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maningning na bukas,” dagdag pa nito.Kung matatandaan, naging contestant noong si Ice sa “Little Miss Philippines” ng eat Bulaga at diyan na siya nagsimulang sumikat at naging artista.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Shinare naman ng TV personality na si Rochelle Pangilinan ang lumang larawan ng SexBomb Girls at ikinuwento na nagsimula ang kanyang showbiz career sa Eat Bulaga.

“Dito ako nagsimula. Dito ako umpisang nakilala. Dito ako lumaban at bumawi. Hanggang mag spaghetti ako pababa at pataas. Nakakalungkot lang,” saad ng dancer sa kanyang post.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May social media post din ang isa pang dating miyembro ng SexBomb Girls na si Jopay at ibinunyag na naiyak siya sa naging pamamaalam ng Eat Bulaga sa nabanggit na kompanya.

“Naiiyak ako [crying face emoji] Sobrang sakit ng puso ko. Maraming salamat Eat Bulaga [heart break emoji],” sa kanyang IG caption.

View this post on Instagram

A post shared by Jopay Paguia-zamora (@jopaypaguiazamora)

Inihayag naman ng TV host na si Pauleen Luna na isa siyang “forever dabarkads” habang lubos na nagpapasalamat sa programa.Sey niya, “Eat Bulaga meant so much to me. Forever grateful #dabarkadsforever”

View this post on Instagram

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Napa-senti mode din ang actress-TV host na si Isabelle Daza at napa-throwback pa noong naging parte rin siya ng longest noontime show.

Kwento niya sa IG Stories, “I was part of Eat Bulaga for 3 and a half years. Made a lot of great memories there.”

Ibinunyag pa niya na ang pinakamahirap na naging desisyon niya sa buhay ay ‘yung pag-alis niya sa nasabing show.

“One of the hardest decisions of my life was to leave this show,” aniya.

PHOTO: Instagram Stories/@isabelledaza

May nakakaantig na mensahe naman ang former host na si Ruby Rodriguez para sa noontime show.

Nakwento pa niya na dahil sa programa ay nakilala niya ang kanyang mister.“Eat bulaga will forever be a part of me. This is

where I met my husband and had my 2 kids. All dabarkads will forever be in my heart. I love Eat Bulaga I love Bulaga family,”

saad niya sa kanyang IG post.“TVJ – my Mentors, Idols, and most of all Friends. I love you with all my heart,” dagdag ni Ruby sa isang separate post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May maiksing post naman ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards at sabi niya sa kanyang IG caption, “Always and forever…@eatbulaga1979.”

Sumikat nang todo si Alden dahil sa Kalyeserye segment sa Eat Bulaga kasama ang “AlDub” partner na si Maine bilang “Yaya Dub.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Nagpasamalat din ang actor-singer na si Janno Gibbs at nabanggit na dati siyang naging parte ng programa.

Caption niya sa IG, “Maraming Salamat @eatbulaga1979 na minsan ay naging maliit na bahagi ako ng inyong pamilya [red heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Related Chika:

Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads!

Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads…’Eat Bulaga is here to stay’; Alden naiyak sa pagbabalik-EB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending