Maine Mendoza tinupad ang pangarap na maging flight attendant: My teenage self would be so happy
DREAM come true para sa TV host-comedienne na si Maine Mendoza ang maging flight attendant kahit minsan sa kanyang buhay.
Ibinahagi niya sa kanyang Facebook page ang ilang mga larawan kung saan makikitang nakasuot siya ng uniporme ng isang flight attendant na may pa-name plate pa kasama ang kanyang mga kaibigan.
“The path I was supposed to take 8 years ago. My teenage self would be so happy,” pagbabahagi ni Maine.
Dagdag pa niya, “Can’t wait for you to see what we have in store this season. Exciting goals ahead!”
Ang naturang mga larawan ay kuha mula sa naging taping para sa bagong season ng kanyang lifestyle show na “Maine Goals”.
Base sa mga larawan ay mukhang nag-take ng training ang dalaga kasama sina Chamyto at Chi Chirita para sa pilot episode ng kanyang programa.
Baka Bet Mo: Pokwang na-shock sa ginawa ng flight attendant habang nasa eroplano patungong US: ‘Naiyak ako…’
Marami naman sa mga netizens ang super happy na makitang kahit papaano ay nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap ni Maine.
“It’s also my dream job. I know someday I will be able to achieve it. I believe thats it’s worth the wait,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Yes! i watched it! so happy&proud of you Maine Mendoza keep it up.”
“Congrats team besties ganda nang ep 1 wishhh more days and adventure to come,” dagdag naman ng isa.
Bago pa man sumikat sa showbiz industry at maging phenomenal star bilang si Yaya Dub, graduate ito ng Bachelor’s Degree in Hotel, Restaurant, and Institution Management, major in Culinary Arts.
Samantala, mapapanood ang “Maine Goals” sa Gandang Mornings ng TV 5 tuwing 8:30 am at BuKo Channel naman tuwing 8:00 pm.
Related Chika:
Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.