Maine, Piolo, Kim nakiisa sa ‘Pusta de Peligro’ campaign short films
DUMARAMI ang mga celebrities na nag-eendorso ng online gaming kaya naman patuloy ding nadaragdagan ang mga Pinoy na naglalaro rito.
In fairness, nasubukan na rin naming mag-play sa isang online app at enjoy naman. Hindi na lang namin iispluk kung wagi kami o lotlot (read: talunan) sa aming paglalaro. Ha-hahaha!
Kamakailan, nakiisa sina Kim Chiu, Maine Mendoza at Piolo Pascual sa pinakabagong campaign para sa responsible gaming sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Pusta de Peligro” short films.
Sa naganap na launching ng “Pusta de Peligro” sa Gateway 2 Cinema kamakailan ng DigiPlus at BingoPlus Foundation, ipinalabas ang tatlong short films bilang kampanya at panawagan sa pagiging responsable sa gaming ng mga Pinoy.
Baka Bet Mo: Promise ni Arjo Atayde kay Maine after ng MMFF 2024: Wife time na!
View this post on Instagram
“Bet what you can afford para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun fun lang,” ang pahayag ni Kim.
Paalala naman ni Maine, “Get the right support para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun-fun lang.”
Laman ng tatlong “pusta de peligro” short films ang mensaheng huwag malulong sa sobrang pagsusugal at dapat fun at happy lang ang paglalaro.
Ang tema ng mga maikling pelikula ay “Pag Pusta de Peligro na, pause Muna dahil ang gaming dapat fun fun lang.”
Base ang kwento ng tatlong short films sa real life scenarios, na nagpapakita ng transition ng isang player mula sa level na libangan lang hanggang sa pagiging “risky.”
Inilunsad nga ang kampanyang ito dahil may mga Pinoy nga na nalululong sa pagsusugal online.
Ilan sa mga bumida sa mga short film na ipinalabas sa naganap na event ang comedy actress na si Donna Cariaga at ang new male actor na si Los Akiyama.
Ayon sa DigiPlus, solid ang kanilang dedikasyon sa responsableng paglalaro, matiyak ang nananatiling ligtas at gawing libangan lamang ang e-games.
Kaugnay nito, ipinakilala rin ang Responsible Gaming Features sa DigiPlus Platforms kabilang ang self-exclusion features. Binibigyan nito ang mga manlalaro ng kakayahang kontrolin ang kanilang gaming habits.
Kasama rito ang daily gaming duration, pag customize ng daily gaming schedule para malimitahan ang pagkagumon sa gaming.
“We want players to feel empowered to make wise choices, families to feel reassured, and communities to see gaming as a safe form of entertainment.
“The Pusta de Peligro campaign is a crucial step toward that vision,” pahayag ni DigiPlus Chairman Eusebio Tanco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.