Harry Roque idinaan sa sing-and-dance ang pang-aasar kay PBBM

Harry Roque at Bongbong Marcos
SING and dance ang dating Presidential spokesperson na si Atty. Harry Roque habang binabanatan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Umakyat at nagsalita sa stage si Roque sa ginaganap na pagtitipon ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands kung saan ito naka-detain ngayon.
Base sa isang video na ibinahagi ng TV5 sa social media, makikita si Roque na umiindak habang inookray at tinutukso si Pangulong Bongbong sa harapan ng mga Duterte supporters.
Talagang sumugod pa sa The Hague ang ilang OFW mula sa iba’t ibang panig ng mundo para ipakita ang kanilang pagmamahal at pagsuporta kay Digong.
Sabi pa ng dating spokesperson ng Malacañang, malaya na raw siyang maisisigaw ang mga nais niyang sabihin kontra administrasyon ni PBBM dahil sa asylum application niya sa The Netherlands.
View this post on Instagram
Samantala, sinabi ni Roque na hindi raw siya naghahanap ng permanenteng trabaho sa The Netherlands ngayong pinoproseso na raw ang kanyang asylum.
“Because I’m still hoping that tomorrow they will be gone and I can go home. ‘Yan ang katotohanan, okay? I’m always hoping whenever I wake-up in the morning, maybe this is the day,” pahayag ni Roque.
Kamakailan, ibinander ni Roque na hindi na raw siya magtatago habang nasa Netherlands habang hinihintay ang resulta ng kanyang asylum application.
“Dito na muna ako. Wala nang tago-tago. Kaya nga nung pumirma ako ng aking asylum application napaluha talaga ako. Napahagulgol. Kasi sabi ko ‘first time in a six and a half month hindi na ako nagtatago sa mga bangag,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.