Cookie ni Mocha binasag ng abogado: Binabastos mga kababaihan

‘Cookie ni Mocha’ binasag ng abogado: Binabastos ang mga kababaihan!

Ervin Santiago - April 02, 2025 - 12:20 AM

'Cookie ni Mocha' binasag ng abogado: Binabastos ang mga kababaihan!

Mocha Uson

BINANATAN ng senatorial aspirant at labor leader na si Atty. Luke Espiritu ang singer-dancer na si Mocha Uson dahil sa nakakaiskandalong campaign jingle nito.

Tumatakbong konsehal sa Maynila si Mocha ngayong May, 2025 elections sa ilalim ng partido ng mayoralty candidate na si Isko Moreno.

Sa naganap na proclamation rally nila last March 30 ay naging usap-usapan nga ang kinantang campaign jingle ni Mocha na dating assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ang tinutukoy namin ay ang kanyang kanta patungkol sa “cookie ni Mocha na ang sarap-sarap” na viral na ngayon sa social media. May mga natuwa at naaliw sa naturang jingle pero marami rin ang naloka at na-offend

Sa Facebook post ni Atty. Espiritu kahapon, April 1, binarag niya ang nasabing campaign jingle at tinawag niyang isang anyo umano ng pambabastos sa mga kababaihan.

“‘April Fools’ nga ba ang isinunod sa Women’s Month? Pero seriously, mismong babae binabastos ang kababaihan–na ang halaga ng kababaihan ay nirereduce sa kanilang private parts,” ang pambabasag ng abogado sa kanta ni Mocha.


Aniya pa, “Si Mocha mismo ay ahente ng patriyarka na umaapi sa kababaihan. At sya ang patotoo kung bakit ideolohiyang tanga ang Dutertismo.”

Sa kumalat na video, mapapanood ang dating sexy singer-actress na kumakanta at sumasayaw gamit ang kanyang campaign jingle na “Cookie ni Mocha.”

Isinisigaw ni Mocha sa video ang mga katagang, “Cookie ni Mocha!” na sasagutin naman ng mga nasa rally ng, “Ang sarap-sarap!” Hirit pa niyang tanong sa mga tao, “Natikman n’yo na ba ang cookie ni Mocha?”

Kasunod nito, ibinahagi ni Mocha kung ano ang mas malalim na kuwento ng  “Cookie ni Mocha.”

“Kapag nalaman niyo ang kwento, ang Cookie ni Mocha ay isang simbolo ng pag-asa at tunay na pagbabago,” sabi ng singer.

Sabi pa niya na mababasa sa kanyang Facebook page, “Sampung taon na ang nakalipas mula nang mabuo natin ang Cookie ni Mocha, isang munting negosyo kung saan natin nakilala si Nanay Lourdes, isang mahusay na panadera na naging kaagapay natin sa paggawa ng Cookie ni Mocha.

“Ngunit nang malaman natin na siya ay may Stage 4 breast cancer tulad ng aking ina, nagdesisyon tayong ialay ang lahat ng kinita ng Cookie ni Mocha para sa kanyang pagpapagamot,” esplika ng kaalyado rin ni former President Rodrigo Duterte.

“Mula sa isang simpleng negosyo, ito ay naging isang adbokasiya—isang laban para sa kalusugan ng ating mga kananayan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon, ibinabalik natin ang Cookie ni Mocha, dahil hindi lang yan Cookie lamang, ito ay ating simbolo ng pag-asa para sa isang mas maunlad na kinabukasan ng ating kananayan at mga senior citizens sa ating distrito,” sey pa ni Mocha Uson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending