Candy Pangilinan naiyak, inaming napagod na sa outburst ni Quentin
HINDI napigilan ng aktres na si Candy Pangilinan ang mapaiyak dahil sa labis na nararamdamang emosyon habang pinapangaralan ang nag-iisang anak na si Quentin.
Sa kanyang latest vlog na ipinalabas nitong Martes, April 1, ibinahagi ng aktres ang ginawa nilang activity kung saan hinayaan niya si Quentin na bumili mag-sa sa isang convenience store.
Maayos naman nagawa ni Quentin ang task na ibinigay ni Candy at nakabili ng mga bagay gaya ng chocolates na ipinakita pa niya sa vlog.
Ngunit biglang nagkaroon ng problema nang biglang mag-outburst si Quentin habang tinuturuan siya ng mga dapat at hindi dapat gawin.
Baka Bet Mo: Candy Pangilinan humugot: Ang kinatatakutan ko ay yung mamatay agad
View this post on Instagram
Makikita sa sumunod na clip na parehas nang umiiyak sina Candy at Quentin.
“Pagod na nga kasi si Mommy. Tama na. Pwede bang makinig ka na? Napapagod na ako eh,” saad ng aktres sa kanyang anak.
Tila ayaw namang makita ni Quentin ang kanyang ina na umiiyak kaya naman mas naiyak ito.
Maririnig rin ang pagso-sorry ni Quentin kay Candy at ang pauli-ulit na pagsabi nito ng “no” nang tanungin siya kung nais na niyang umalis ang kanyang ina.
“No!!!! Bata pa lang si Quentin. Paano na ito?” sabi pa ng anak.
“Napapagod na si Mommy Candy. Hindi ka na makuha sa mabuting usapan. Hindi ka na makuha sa galit. Mag-aayos ka ba o hindi? umiiyak na tanong ng aktres sa anak.
Dito ay sinabi na niya ang dahilan kung bakit nagtatrabaho siya nang maigi at kung bakit nais niyang matuto si Quentin ng mga bagay gaya ng ibang mga tao.
Sa huli ay naging maayos na ulit ang dalawa at tila naunawaan naman ni Quentin ang nararamdaman ni Candy.
“Parents can get tired but we can never give up. I just showed Quentin how vulnerable I can be. It’s working. He is trying to help,” lahad pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.