Candy Pangilinan: Ang kinatatakutan ko ay yung mamatay agad

Candy Pangilinan humugot: Ang kinatatakutan ko ay yung mamatay agad

Ervin Santiago - March 16, 2025 - 07:14 AM

Candy Pangilinan humugot: Ang kinatatakutan ko ay yung mamatay agad

Candy Pangilinan at Quentin

ANG isa sa palaging ipinagdarasal ng seasoned actress at komedyanang si Candy Pangilinan ay humaba pa sana ang kanyang buhay para sa kanyang anak na si Quentin.

Knows naman ng lahat na na-diagnose nh Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) and Autism si Quentin na 21 years old na ngayon.

In fairness, kahanga-hanga ang aktres dahil mag-isa niyang pinalaki at itinataguyod ang kanyang anak at proud single mom siya dahil talagang ginagawa niya ang lahat para kay Quentin.

Sa naganap na presscon ng kanyang latest movie, ang “Un-Ex You” nitong nagdaang Miyerkules, March 12, na pinagbibidahan ng engaged couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles, ay medyo emosyonal si Candy nang mapag-usapan ang pagiging nanay.

Natanong kasi ang aktres kung ano ang kinatatakutan niya bilang nanay ni Quentin, “Ang kinatatakutan ko, yung mamatay na po.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)


“Kasi kapag namatay ako, hindi ko alam kung kakayanin niyang mag-isa, at this point. So, hindi ako puwedeng mamatay ngayon o bukas kaagad,” ani Candy.

Dagdag pa niya, “Siguro kailangan pa ako humaba-haba nang konti pa yung buhay ko. Yun ang dasal ko, saka magtrabaho at mag-ipon para sa anak ko.

“Yung maka-establish ako ng something for him that will sustain him kapag nawala ako.

“Yun ang kinatatakutan ko dahil yung mga batang katulad nila, dahil hindi sila independently functional, madali rin silang utuin, kausapin.

“Lahat ibibigay nila because they have such innocent hearts and, you know, they just want friends. Parati nga silang ganoon, gusto nila ng kaibigan. So, yun lang ang takot ko,” litanya ni Candy.

Pagpapatuloy pang paliwanag ng aktres, “Pero on the other hand, kung bubuksan mo talaga yung puso ko, meron akong gratefulness sa anak ko, yung pagpapasalamat.

“Dahil kung wala po si Quentin, hindi ninyo po mababago yung Candy. Hindi po ako ngayon ito.

“Hindi ko matatahak itong journey na ito at mare-realize kung gaano po tayo lahat kasuwerte because we have so many things that we take for granted.

“Na, we are so blessed in so many ways. Na-simplify po niya ang buhay ko,” aniya.

Single pa rin hanggang ngayon si Candy pero bukas pa rin naman ang puso niya sa bagong pag-ibig. May mga suitors din siya pero mukhang wala pa siyang napipili sa mga ito.

“Hindi ko sinasabi na by choice na, ‘Sige ho, gusto kong maging single talaga.’ Siguro, wala pa talagang dumarating na kikiligin ako katulad ng dalawang ito (sabay turo kina Kim at Jerald). Na tatanggapin yung anak ko, kasama yung responsibilidad.

“Mahirap yun, e. Aminado naman ako kasi buy one take po ako. Iba na ngayon kapag buy one take one.

“Buy one take one with responsibility and accountability. Siyempre, iba din yon. Bonus na po yun, ipinagdarasal na lang po,” saad pa ng komedyana.

Ano ba ang qualities na hinahanap niya ngayon sa lalaki? “Yung aalagaan naman ako. Napapagod ho kasi ako. Saka gusto ko sana yung puwede akong magpahinga.

“Yung hindi naman ako magpapakain. Siya naman ang magpakain sa akin. Hindi naman ako naghahanap ng mayamang-mayaman. Gusto ko lang ho masipag,” ang sey pa ni Candy Pangilinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang “Un-Ex You” ay mula sa direksyon ni RC Delos Reyes at showing na sa mga sinehan nationwide simula sa April 9, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending