KC Concepcion lantaran na ang pakikipagbalikan kay Aly Borromeo

KC Concepcion lantaran na ang pakikipagbalikan kay Aly Borromeo

Ervin Santiago - March 18, 2025 - 12:50 AM

KC Concepcion lantaran na ang pakikipagbalikan kay Aly Borromeo

KC Concepcion at Aly Borromeo

MUKHANG unti-unti nang inilalantad ni KC Concepcion sa buong universe ang  relasyon nila ng star football player na si Aly Borromeo.

Feeling ng mga netizens, matagal nang nagkabalikan ang TV host-actress at ang dating team captain ng national football team ng Pilipinas na Azkals.

Isang patunay daw diyan ay ang Instagram post ni KC nitong nagdaang weekend kung saan makikita silang magkasama ni Aly sa isang event.

Ang video na ibinahagi ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay kuha sa kasal ng isang non-showbiz couple at pinaniniwalaang kaibigan nina KC at Aly.

Sa isang bahagi ng video, mapapanood ang pagrampa ng wedding entourage, kabilang na nga ang paglalakad ni Aly bilang isa sa mga groomsmen.

Magkatabi rin sina KC at Aly sa reception ng wedding kasama ang isa pang miyembro ng Azkals na si Anton del Rosario. May litrato rin ang aktres kasama sina Aly, Anton, at isa pang lalaking guest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


Nauna rito, naispatan na ring magkasama sina KC at Aly last year kabilang na riyan ang pagrampa umano nila sa Paris, France last August 2, 2024.

October 7, 2024 nang mag-post uli si KC sa Instagram tungkol sa naganap na Azkals Celebrity Cup kung saan naglaro si Aly.

At nito lamang nagdaang Valetine’s Day, February 14, nag-post ng litrato si Aly sa Instagram kung saan may katabi siyang girl na ang face ay natatakpan ng emoji. Pero sey ng netizens, halatang-halata namang si KC ito.

Hanggang ngayon ay wala pang diretsahang kumpirmasyon o pagdedenay sina KC at Aly tungkol sa kanilang pagbabalikan pero halos lahat ay naniniwalang magdyowa na uli ang dalawa.

Comment ng IG followers ni KC, botong-boto sila kay Aly at sana nga ay natagpuan na niya sa katauhan ng football player ang hinahanap niyang Mr. Right.

Matatandaan na taong 2018 nang ihayag ni KC sa buong mundo na hiwalay na sila ni Aly. Tumagal din ng two years ang kanilang relasyon.

Sabi ni KC sa kanyang IG post, “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Timing is everything. As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending