Kim, Jerald matagal nang live-in pero magkahiwalay ang kuwarto, anyare?!

Kim Molina at Jerald Napoles
TULAD ng mga ordinaryong magkakarelasyon, nag-aaway at nagtatalo pa rin ang engaged couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Yes! May mga pagkakataon na nagkakataasan din ng boses ang magdyowa kapag may pinagtatalunan at parehong mataas ang emosyon.
Pero ayon kay Jerald, hindi nila hinahayaang lumala ang kanilang misunderstanding at agad nila itong inaayos ni Kim at lalong hindi nila idinadamay ang madlang pipol sa sa away nila.
Hindi raw uso sa live-in partners yung magpo-post ng mga cryptic message sa social media kapag meron silang pinagdaraanan para iwas tsismis at intriga.
Sa presscon ng latest movie nilang “Un-ex You” mula sa Viva Films, natanong nga ang celebrity couple kung nag-aaway din ba sila dahil parang palagi lang silang happy at funny at mukhang walang pinagdaraanang challenges.
View this post on Instagram
“May mga pagtatalo. Meron. Of course merong mga taasan ng boses. Pero ‘yung taasan ng boses, mas taasan ng emosyon kasi hindi puwedeng marinig sa kabilang condo. Ha-hahaha!
“But it’s part of the relationship. But after that, laging kailangan may mapag-usapan kami kahit kalahati lang nung pagtatalo bago matulog. May ganun kami ni Kim para lang matuto kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Je.
Isa raw sa sikreto ng kanilang solid at mahabang pagsasama ay ang kasunduan nilang magkaroon pa rin ng kanya-kanyang kuwarto sa kanilang bahay kahit na nga naglive-in na sila.
Kuwento ni Kim, “Ang setup namin ni Je, we do live together pero may separate rooms kami. Ako kasi I was independent since I was 16 (years old) kasi pamilya ko nasa Saudi.
“Tapos si Je naman, lagi siyang mag-isa eversince kasi only child siya. So, parahe kaming sanay mag-isa. So, kapag nage-gets ko na kailangn ng space ng isa, pupunta ako sa kuwarto ko o siya pupunta siya sa kuwarto niya. Tapos, puwede siyang pumunta sa kung saan,” esplika ni Kim.
Ang sinusunod nilang panuntunan pagdating sa relasyon ay, “Masaya akong merong tayo kahit merong ako. So, buo pa rin kami individually and when we’re together, we’re stronger.
“So, we have that kind of setup na kapag we need space from everything whether it be sa aming dalawa or the world, I have my own thing and he has his own thing. So, I think that’s how it works for the both of us,” sey pa ng aktres.
Sey naman ni Jerald, kahit daw kasal na sila ay itutuloy nila ang ganu’ng setup, “Si Kim ang may suggestion nu’n which is tama naman. Partnership kasi ‘to, eh. Pero individual bago naging partnership so kailangan meron ka ring time para sa sarili mo.”
Samantala, showing na sa mga sinehan nationwide ang “Un-Ex You” simula sa April 9. Ito’y mula sa direksyon ni RC Delos Reyes produced by Viva Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.