Jerald iimbitahan sa kasal nila ni Kim sina Piolo, Alden, Dennis

Jerald iimbitahan sa kasal nila ni Kim sina Piolo, Alden at Dennis

Ervin Santiago - January 30, 2025 - 06:00 AM

Jerald iimbitahan sa kasal nila ni Kim sina Piolo, Alden at Dennis

Jerald Napoles, Kim Molina, Piolo Pascual at Alden Richards

MAY mga gustong makasama mula sa mundo ng showbiz ang actor-singer na si Jerald Napoles sa gaganaping kasal nila ni Kim Molina.

Sa ngayon ay nasa preparation stage na ang engaged celebrity couple para sa kanilang dream wedding kaya naman medyo mas magiging busy daw sila this year.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Jerald sa premiere night ng una niyang movie ngayong 2025, ang “holy comedy” na “Sampung Utos Kay Josh” kasama si Pepe Herrera.

“May wedding organizer kami at nakausap na namin. Ang maganda kasi sa wedding organizer, matutulungan ka in terms of planning and timeline. Kung wala kang alam sa kasal, akala mo ganun lang kadali. Tatahiin pa ‘yung gown, iba-block pa ‘yung schedule ng venue, mga ganyan,” pagbabahagi ng aktor.

Baka Bet Mo: Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Kasunod nito, nabanggit nga niyang inaayos na nila ni Kim ang entourage at guest list para sa kasal at kabilang daw sa iimbitahin nila ay ang mga kaibigan niyang sina Alden Richards, Dennis Trillo, at Piolo Pascual.

Kuwento ni Je, “Hands-on si Kim. Wala pa kaming sine-set na budget. Sine-set muna namin kung sino ang iimbitahin. Kapag maraming iimbitahin, lalaki ang budget.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)


“May kaunting detalye na. Kung kailan, baka hindi muna any time soon. Gusto namin is location wedding.

“‘Yung mga ka-close ko sa industriya (na gustong imbitahin), leading men, e. Sina Dennis Trillo, Alden Richards, Piolo. Kung naririnig nila ito ngayon, baka naman. ‘Yung best man ko, it’s really a close friend of mine. Some of the people in the industry know him,” ani Je.

“Sasabihan ko sila personally. Gusto ko lang talaga ng sincere kasi malalaking artista sila baka kasi isipin nila na gusto lang umingay ang kasal. Gusto kong sabihin sa kanila kung okay lang sa kanila. Alam ni Alden na landian lang kami ni Kim before,” sabi pa ng komedyante.

Bukod sa tatlong leading man, hindi rin siyempre mawawala sa guest list ang Viva Entertainment executive na si Vic del Rosario na patuloy na nagtitiwala at nagbibigay ng trabaho sa kanila ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


Nabanggit din ni Jerald ang Kapuso celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

“Ready na basta ipagkaloob ng Diyos. Ready na kami. It’s time for us. May mga ina-eye na kami. Of course, si Boss Vic. At ‘yung mga malalapit sa amin sa industriya.

“Nakausap namin sina Ruru and Bianca. Sobrang close talaga kami ni Ruru na hindi alam ng lahat. Sabi ko, ‘Ayaw kong mamilit kasi ang career niyo ang lalaki pero kung gusto niyo baka puwede kaya sa kasal.’

“Sumagot si Bianca. Si Ruru kasi madali namang kaladkarin kasi barkada ko ‘yun,” sabi pa ni Jerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, showing na today sa lahat ng sinehan nationwide ang “Sampung Utos Kay Josh” mula sa direksyon ni Marius Talampas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending