Carlos at Mark Andrew Yulo nagkita uli, pero kaway-kaway lang?

Mag-amang Carlos at Mark Andrew Yulo nagkita uli, pero kaway-kaway lang?

Ervin Santiago - January 30, 2025 - 11:32 AM

Mag-amang Carlos at Mark Andrew Yulo nagkita na, pero kaway-kaway lang?

Chloe San Jose, Carlos Yulo at Mark Eldrew Yulo

NAKATIKIM na naman ng pamba-bash ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa kumalat na litrato umano nila ng kanyang amang si Mark Andrew Yulo.

Hot topic ngayon sa social media ang sinasabing muling pagkikita ng mag-ama pagkatapos ng Philippine Sportswriter Association awards night nitong January 27.

Itinanghal ng PSA si Caloy bilang “Athlete of the Year” dahil sa karangalang inuwi niya sa Pilipinas mula sa 2024 Paris Olympics sa larangan ng gymnastics.

Base sa nakita naming photo mula sa Facebook page ng isang nagngangalang “Gerald Fajardo”, nasa loob ng sasakyan si Carlos kasama ang dyowang si Chloe San Jose habang kinakawayan siya ng ama mula sa kinatatayuang kalye.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa, sey ni Chloe

“Drinking water…,” ang nakasaad sa caption ng FB post ni Gerald Fajardo. “Kaway kaway FATHER,” ang dagdag pang sabi ng uploader na isang coach para sa modeling, dancing, acting, at personality development base sa kanyang profile.

Wala namang nabanggit sa naturang post kung bumaba ba sina Carlos at Chloe mula sa kanilang sasakyan para lapitan si Mark Andrew.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kulowi ʚ(╹.╹)ɞ (@chloeanjeleigh)


Pero ang paniniwala ng mga netizen, posibleng kuha ang larawan nang ihatid ni Carlos kasama si Chloe ang  nakababata niyang kapatid na si Karl Eldrew Yulo.

Nakasama ni Caloy si Eldrew sa naganap na PSA awards night dahil tumanggap din ito ng special citation sa pagiging champion gymnast.

Nagkaisyu pa nga ang muling pagkikita ng magkapatid nang mag-viral ang video kung saan maririnig ang pagtatanong ni Carlos kay Chloe kung isasabay at ihahatid ba nila si Eldrew. Nag-yes naman agad si Chloe sa kanyang dyowa.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon ang kampo ng mag-amang Carlos at Mark Andrew hinggil sa muli nilang pagkikita matapos ang kontrobersyal na isyu sa kanilang pamilya.

Narito naman ang ilan sa nabasa naming comments sa umano’y muling pagkikita ng mag-ama.

“Carlos Yulo is not a good role model son, brother, grandson.”

“Matindi Yung hawak ni boldstar nangangambang matauhan si caloy.”

“NAGPAPAKUMBABA SI CALOY NG DAHIL NAWAWALA NA ANG KANYANG KASIKATAN.”

“Abot kamay na pero di man lang bumaba para yumakap at magmano man lang.”

“Ama nya yan. Bumaba dapat sya. Hindi lang kaway kaway. Nandyan na sya. Grabe. Ang taas ng pride ng guy.”

“Parang fans lng ung tatay,,kumaway sk nag pisbond si caloy. parang ayaw ng tumapak umg paa sa lugar n kinalakihan nya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bilang anak nasad ako sa tatay. Ndi man lang bumaba un anak para kahit magmano man lang. tsk tsk.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending