Carlos Yulo proud sa nabiling regalo sa sarili: Pinagpaguran ko

Carlos Yulo
MAY isang bagay na pag-aari ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na talagang pinahahalagahan niya mula pa noong bata siya.
Natanong ang Pinoy pride kung ano ang nabili niya para sa kanyang sarili na talagang ipinagmamalaki niya mula noon hanggang ngayon.
“Nu’ng nanalo ako ng competition, grade school pa po ako nu’n. Bumili ako ng gustong-gusto kong sneaker na galing po sa pinagpaguran ko.
“And parang gusto ko ng something na maregalo ko sa sarili ko. Hindi ko siya makalimutan kasi ayun ‘yung first big purchase ko sa sarili ko at that age,” ang pahayag ni Caloy sa panayam ng Cosmopolitan Philippines.
Sa tanong naman kung ano ang mga memorable moments niya sa paglaban sa Paris Olympics, bukod sa napanalunang dalawang gintong medalya, sagot ni Caloy ang Olympic Village experience.
“‘Memorable ‘yung ma-meet po ‘yung other athlete gymnasts and of course sa Olympic Village, grabe po ‘yung spirit po talaga ng mga athletes.
“Talagang nakaka-motivate po kapag nandun ka sa malapit sa kanila and gusto mo rin talaga na i-pursue and tapatan ‘yung work ethic nila,” sagot ni Carlos.
View this post on Instagram
Nagbalik na rin daw sa training ang binata at looking forward na rin siya sa muling pagsabak sa susunod na Olympics.
“Kakabalik ko lang po sa practice. Still po tina-target na makapag-LA Olympics but before that po marami pa pong mga competitions and training camps na mangyayari sa akin and super excited po sa mai-experience ko this coming 2028,” kuwento ni Carlos.
Samantala, hindi nagdamot ang Filipino champion gymnast sa pagse-share ng advice para sa lahat ng kabataang nangangarap na magtagumpay din sa buhay.
“Alamin po talaga natin kung ano ‘yung gusto natin mapa-study, education, sports or work. Kahit isang bagay, pinakamabigat na dahilan kung bakit natin gusto i-achieve ‘yung goal na ‘yun.
“Kasi over the time po sa process di maiiwasan po talaga na i-challenge ka po ni Lord, ng panahon, kaya para sa akin mabigat na dahilan kung bakit gusto mo siyang gusto gawin and bakit gusto mo siyang ma-achieve.
“And enjoy ‘yung process and mahalin ‘yung proseo para kahit hindi mo maabot ‘yung pina-pangarap mo, marami kang nagawa, minamahal mo ‘yung ginagawa mo, at especially masaya ka sa nagawa mo,” payo pa ni Carlos Yulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.