Harry Roque hinamong magpa-hair follicle test si PBBM
SINABIHAN ng dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na magpa-hair follicle test si Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kanyang naging Facebook live kamakailan, sinabi nitong wala raw sa tamang pag-iisip ang presidente dahil sa umano’y paggamit raw nito ng cocaine.
“Hindi po ‘yan conclusive pero alam n’yo sa batas ang tawag diyan is yung totality of evidence and mayroon talagang basehan para paniwalaan natin na talagang wala sa tamang pag-iisip ang ating Presidentee,” saad ni Roque.
Muli nga rin niyang inungkat ang isyu ng hindi pagpapa-hair follicle test ng pangulo sa kabila ng pag-viral ng pulvoron video nito na sinasabing ang dating presidential spokesperson ang may pakana.
Baka Bet Mo: Harry Roque binanatan ng TV host sa isyu ng inarestong OFWs sa Qatar: Ipokrito!
View this post on Instagram
Hinamon nga ni Roque na magpa-hair follicle test si Marcos para malinaw na sa publiko kung gumagamit ba talaga o hindi ang pangulo ng ilegal na droga.
“Kaya nga po ang tanging solusyon siyan ay magpa-hair follicle test. ‘yan po siyensya ang magbibigay, ang magpapasinungalingan doon sa paratang na gumagamit siya ng ipinagbabawal na droga na hanggang ngayon, hindi niya ginagawa.
“At ang tanong, bakit ayaw magpa-hair follicle test? Kasi ang hair follicle test po, hindi ‘yan magsisinungaling,” giit ni Roque.
Nauna naman nang pabulaanan ng Department of Defense (DND) ang tungkol sa malisyosong video ng pangulo noong July 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.