Bongbong Marcos sa lahat ng motorista: Wag maging kamote!

Bongbong Marcos sa mga motorista sa kalsada: Wag maging kamote!

Ervin Santiago - April 15, 2025 - 12:30 AM

Bongbong Marcos sa lahat ng motorista sa kalsada: Wag maging kamote!

Pangulong Bongbong Marcos

SA paggunita ng Mahal na Araw ngayong taon, nagbigay ng napapanahong mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa lahat ng mga motoristang mainitin ang ulo at walang pasensiya.

Dahil sa sunud-sunod na road rage na nagaganap sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay nagpaalala ang pangulo para maiwasan ang mga away at rambulan sa kalye na nagreresulta pa kung minsan sa pagkamatay ng mga motorista.

Mahalaga ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong lalo’t inaasahang maraming mga kababayan natin ang bibiyahe ngayong Holy Week.

Sa kanyang latest vlog, pinaalalahanan ni PBBM ang sambayanan na mag-ingat sa kalsada para maiwasan ang anumang sakuna at ibang problema o aberya sa biyahe lalo na ang road rage.

“Ang tatapang na natin lahat! Siga lahat! Ano na ba ang kulturang ito na pagiging siga sa daan. Saan ba natin nakuha ito?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bongbong Marcos (@bongbongmarcos)


“Ano na bang nangyayari sa atin at parang natural na lang ang mga ganitong komprontasyon at karahasan.

“Tayong lahat ay kailangang sumunod sa batas-trapiko. Kailangan ang disiplina para maging responsableng mga Pilipino sa lansangan. Wag maging kamote!” ang pahayag ng presidente.

Dagdag pa ni PBBM, “Ang bagong Pilipino ay disiplinado sa lansangan. Maingat sa pananalita. Nagtitimpi at pinipili ang kapayapaan. Ang lahat ay napag-uusapan nang maayos at malumanay.”

Ipinaalala din niya na ang lisensya sa pagmamaneho ay isang pribilehiyo at hindi karapatan kaya kailangang sundin ng mga motorista ang lahat ng batas-trapiko at maging maingat lagi sa pagmamaneho.

Pero ani PBBM, naiintindihan naman niya na nakakainit talaga ng ulo kapag may mga pasaway sa lansangan kaya ang kailangan daw tandaan ng mga driver palagi ay ang pagbabaon ng mahabang pasensya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pasensya na lang, palampasin n’yo na lang. Ano naman ang mawawala sa atin, one second, five seconds, 20 seconds, pagbigyan na natin at huwag na natin patulan,” sabi ng pangulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending