Bongbong binalaan sa 'pa-thank you' ni VP Sara, patibong lang?

Bongbong Marcos binalaan sa ‘pa-thank you’ ni Sara Duterte, patibong lang daw

Ervin Santiago - April 03, 2025 - 02:51 PM

Bongbong Marcos binalaan sa 'pa-thank you' ni Sara Duterte, patibong lang daw

Bongbong Marcos at Sara Duterte

MAY mga nagbigay ng warning kay Pangulong Bongbong Marcos sa ginawang pagpapasalamat sa kanya ni Vice President Sara Duterte.

Feeling ng mga tagasuporta ng Pangulo, bahagi lamang umano ito ng strategy ng kampo ni VP Sara kaya huwag daw masyadong magtiwala at maniwala sa mga pahayag nito.

Ayon sa ilang netizens, tila lumambot na raw ang puso ng bise presidente matapos itong mag-thank you kay PBBM dahil mas naging solid pa raw ang relasyon ng kanilang pamilya.

Pahayag ni VP Sara, nang dahil daw sa mga ginawa ng administrasyon ni President Bongbong ay mas naging close raw siya ngayon sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na naka-detain ngayon sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands.

“This really is ironic, but I have to thank Bongbong Marcos because there was forgiveness between me and (former President Duterte) for all that has happened in our lives,” ang pahayag sa media ng vice president nang dalawin ang ama nitong Martes.

“We have that relationship now, a father-daughter relationship since we cannot discuss anything legal anymore because it is understood inside that only the lawyers can discuss legal matters with the former president.


“We only discuss family (matters) and this has been one of the longest meetings I have had with the former president. Growing up, he was always busy with work, he was always busy with the country,” sabi pa ni VP Sara.

Pagpapatuloy pa niya, “And now, I have this every day with him talking about life, talking about family. And for that, I feel like I am blessed. Because at this point, he’s already 80 and he’s already retired.

“But going back as mayor, baka ma-busy na naman siya sa kanyang trabaho. So, [nabigyan] kami ng ganitong time na makapag-usap as a father and daughter.

“It’s sad lang that it has to happen inside the detention. There is a good side. But, yes, thank you (kay President Marcos),” saad pa ng bise presidente.

Sama-samang dumalaw kay Duterte sa The Hague si VP Sara, ang half-sister na si Veronica “Kitty” Duterte at ang  common-law partner ng dating pangulo na si Honeylet Avanceña.

Sa official Facebook page ng BANDERA, maraming nagkomento sa artikulo tungkol sa pagpapasalamat nga ni VP Sara kay PBBM. Narito ang ilang reaksyon na nabasa namin.

“Patibong lng ni Sara Lustay yan. Hwag cyang paniwalaan.”

“Di man ako Maka BBM pero Yun ang tama gawin kahit tinitira sya  hinahayaan nya lng yan ang tunay na lider na may ping aralan di bastos at palamura.”

“Kay trillanis ka magpasalamat kc sya nagsampa ng kaso hnd si PBBM.”

“Drama na naman ang mambubudol!”

“Not bad, ang emosyon ay pabago bago at ang bawat isa ay nagkakamali.”

“Nang-go-goodtime lang yan pwe!”

“Strategy ni Inday lustay hwag mnwla kc alam Nia bagsak n cla.”

“Being humble is not mean you have a bad intention to your enemy you are just show them how God Treat you like.”

“Daming galit sa mga duterte pero Milyon  milyon ang nagmamahal sa buong mundo.”

“Mag ingat ka prin BBM at wag po tayong magtiwala s ganyan n pakulo, Ang ahas ay ahas parin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Depende n lang kung paano mo tatangapin at iintindihin ang pagpapasalamat ni Sara. If you think Sara’s gratitude to BBM is bad for you, then so be it. Yan ang tingin mo eh. Kaya nga kanya kanya tyong opinyon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending