Imee Marcos kumalas na sa Alyansa ni Bongbong Marcos
TULUYAN nang pinutol ni Senator Imee Marcos ang kanyang ugnayan sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos ang kanyang desisyon ay base sa mga natuklasan niya sa pagdinig ng pinamumunuang Senate committee on foreign affairs ukol sa sinapit ni Duterte.
Magugunita na sa kalagitnaan ng pagdinig ay sinabi ni Marcos na isinuko ng gobyerno ang dating pangulo.
“Dahil dito, hindi ko na magagawang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa,” sabi ni Marcos.
Baka Bet Mo: Imee Marcos sinabing nahihirapan, PBBM hindi na makausap
View this post on Instagram
Kamakailan, naging isyu ang hindi pagbanggit ni Pangulong Marcos Jr., sa nakakatandang kapatid sa campaign rally ng Alyansa sa Cavite.
Nang tanungin ang senadora sa kanyang reaksyon, sinabi nitong hindi na sila nagkaka-usap ng kapatid.
Samantala, tumanggi naman ang Punong Ehekutibo nang tanungin sa hindi niya pagbanggit sa kanyang ate sa Alyansa rally.
Sa inilabas na pahayag ng kanyang opisina, sinabi ng senadora na simula pa lamang ng pangangampanya ikinukunsidera niya ang sarili na “independent” bagamat kasapi ng Alyansa ang kinaaaniban niyang Nacionalista Party.
Nakapagsagawa na ng 11 na campaign rally ang Alyansa at lahat ay dinaluhan ni Pangulong Marcos., samantalang hindi na sumipot ang kanyang kapatid sa huling tatlong rally sa Tacloban City, Cavite at Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.