Nora Aunor hindi makalimutan ang sinabi sa kanya ni Duterte

Nora Aunor hindi makalimutan ang sinabi sa kanya ni Rodrigo Duterte

Ervin Santiago - March 29, 2025 - 10:50 AM

Nora Aunor hindi makalimutan ang sinabi sa kanya ni Rodrigo Duterte “IKAW lamang po ang nag-iisang  Presidente ang kumilala sa aking mga nagawa at naiambag sa ating sining!” Iyan ang bahagi ng birthday greeting ni Nora Aunor para kay former President Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, bjnati ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast na si Ate Guy si Duterte sa ika-80 kaarawan nito kahapon, March 28.

Ayon sa premyadong aktres, isa siya sa mga nalungkot nang maaresto at makulong sa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Netherlands si Duterte para sa kaso nitong “crimes against humanity.”

“Ngayong March 28, 2025 ay araw po na napaka special para sa ating minamahal na Former President Rodrigo Roa Duterte. Nais ko lamang  po siyang  batiin  sa kanyang kaarawan.

Baka Bet Mo: Nora Aunor biglang umatras sa Eleksyon 2025, lumipat sa ibang partylist

“HAPPY 80th  BIRTHDAY po TATAY DIGONG! Sa araw po ng iyong kaarawan  hangad ko  po at hangad po naming lahat na nagmamahal sa inyo na  bigyan pa po kayo ng Poong Maykapal ng KATATAGAN ng LOOB.

“Maging malakas pa po ang inyong katawan at maging isipan. Upang malagpasan po ang anumang pagsubok na nangyayari po sa inyo diyan sa Netherlands.

“Isa po ako sa milyong kababayan po natin ang nanalangin sa inyong agarang pagbabalik dito sa ating Bayan,” ang simulang pagbati ni Ate Guy kay Duterte.

Patuloy pa niya, “Isa rin po ako sa mga nalulungkot dahil sa nangyari sa inyo. Gayunpaman, alam ko po na ito ay inyong malalagpasan dahil  malinaw naman po sa aming lahat ang inyong mga nagawa at pagmamalasakit ay  para lamang sa ating Bayan!

“Umaasa po kaming lahat na makakapiling ka namin dito sa Bayan mong minahal na sobra.

“At Maraming salamat din po Tatay Digong, dahil ikaw lamang po ang nag iisang presidente ang kumilala sa aking mga nagawa at naiambag sa ating sining.

“Sa huling sandali ng iyong termino ito ay ipinagkaloob mo po sa akin ang NATIONAL ARTIST AWARD. Dalawang kamay mopo ako tinanggap sa Palasyo ng Malacañang.

“At nang makita po ako ni Sen. Bong Go ay nilapitan po niya ako agad at pinaupo. Hindi po niya ako iniwan at talagang inalalayan po niya ako. Kahit may mga kausap ka po ay talagang binigyan mo po ako ng oras na harapin,” ang pagbabahagi pa ni Nora ng kanyang saloobin.

Dagdag pa ng Superstar, “Pumunta po ako sa Malacañang para personal na humihingi ng pasensya dahil sa una pong pagbibigay ng award ay nasa hospital po ako.

“Kaya pagkalabas po ng hospital  binigyan mo po ako ng chance para personal po kita mapasalamatan.

“Ito po ay habang buhay kong tatanawin na malaking utang na loob sa inyo.

At hinding hindi ko po malilimutan ang sinabi nyo sa akin na ‘Pag may kailangan ka nasa Davao lang ako.’ Ang salita mo pong ito ang nagpapatunay sa akin kung gaano po kayo kabuti at may pagmamalasakit sa lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming salamat po at gabayan ka po ng Poong Maykapal. Happy 80th Birthday pong muli. Hintayin po namin ang iyong Pagbabalik! Mahal ko po kayo!” ang kabuaan ng open letter ni Nora para kat Duterte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
News Hub