Key Moments
Related Stories
Special Coverage

Highlights: Bantay Balita sa ICC case ni Duterte

Updated as of: 01:34 PM March 28, 2025

Bantay Balita sa ICC case ni Duterte

NITONG buwan ng Marso, inaresto at ikinulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Ito’y kaugnay sa kasong “crimes against humanity” na isinampa laban sa kanya matapos ang ipinatupad niyang “war on drugs” sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ayon sa datos ng gobyerno, tinatayang 6,000 katao ang namatay sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte, ngunit ayon sa mga human rights group ay posibleng umabot sa 20,000 ang totoong bilang ng mga napatay.

Bilang hawak na ng ICC si Duterte, siya ang unang lider mula Asya na haharap sa paglilitis sa The Hague.

Narito ang pagkakasunod-sunod ng naging imbestigasyon ng ICC sa kaso ni Duterte.

2016: Simula ng ‘Oplen Tokhang’

2017-2018: Reklamo at Imbestigasyon ng ICC

2019-2021: Tuloy ang Imbestigasyon ng ICC

2022-2024: Lumalakas ang Ebidensya

2025: Inaresto si Duterte

Ang Pre-Trial Chamber I ay binubuo ng presiding judge na si Iulia Antoanella Motoc at mga hukom na sina Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera.

“During the initial appearance hearing, the judges will verify the identity of the suspect and the language in which he is able to follow the proceedings,” paliwanag ng ICC.

Dagdag pa, “He will be informed of the charges against him and of his rights under the ICC Rome Statute.”


I-bookmark ang page na ito para manatiling updated sa mga pinakabagong balita at chika kaugnay dito.

Duterte nagdiriwang ng 80th birthday sa ICC Detention Center

March 28 , 2025 – 11:56 AM
Duterte nagdiriwang ng 80th birthday sa ICC Detention Center
NGAYONG March 28 ang 80th birthday ni dating Pangulong Duterte at ito ay kanyang ipagdidiwang habang nasa kustodiya ng ICC sa Netherlands.

Nicholas Kaufman itinalagang legal counsel ni Duterte sa ICC case

March 20 , 2025 – 03:25 PM
Nicholas Kaufman itinalagang legal counsel ni Duterte sa ICC case
TANGING mga banyagang abogado na may malalim na kaalaman sa international law sa ilalim ng ICC ang magiging bahagi ng depensa ni Duterte.

Harry Roque laglag sa defense team ni Duterte, VP Sara pinauuwi na ng ama

March 19 , 2025 – 11:10 AM
Harry Roque laglag sa defense team ni Duterte, VP Sara pinauuwi na ng ama
LAGLAG si Harry Roque sa magiging defense team ni former President Rodrigo Duterte para sa paglilitis nito sa International Criminal Court.

Pag-aresto kay Rodrigo Duterte: Ano’ng totoo at ano’ng fake?

March 19 , 2025 – 10:47 AM
Pag-aresto kay Rodrigo Duterte: Ano’ng totoo at ano’ng fake?
Umani ng kaliwa’t kanang reaksiyon ang inilabas na arrest warrant ng ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Medialdea isinakay sa ambulansiya paglabas ng ICC detention facility

March 18 , 2025 – 07:08 PM
Medialdea isinakay sa ambulansiya paglabas ng ICC detention facility
NAKASAKAY sa stretcher na inilabas mula sa Scheveningen Prison, Netherlands, si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea.

Rodrigo Duterte miss na miss nang lumafang ng tuyo, munggo, saging

March 18 , 2025 – 11:43 AM
Rodrigo Duterte miss na miss nang lumafang ng tuyo, munggo, saging
MISS na miss na raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa mga paborito niyang mga food – ang tuyo at munggo.

Igan kinontra si Bong Go, may resibo na hindi nakapaa si Duterte sa eroplano

March 18 , 2025 – 01:00 AM
Igan kinontra si Bong Go, may resibo na hindi nakapaa si Duterte sa eroplano
TILA walang epek sa broadcast journalist na si Arnold Clavio ang pambabarag sa kanya ng mga tagasuporta ni former President Rodrigo Duterte.

Igan binarag ng bashers dahil kay Duterte: Epal! Nagmagaling na naman!

March 18 , 2025 – 12:02 AM
Igan binarag ng bashers dahil kay Duterte: Epal! Nagmagaling na naman!
HATI ang reaksyon ng netizens sa ipinost ni Arnold Clavio sa social media patungkol sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Harry Roque hihingi ng asylum sa Netherlands; hindi iiwan si Duterte

March 17 , 2025 – 07:33 PM
Harry Roque hihingi ng asylum sa Netherlands; hindi iiwan si Duterte
MAGHAHAIN ng aplikasyon si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque upang makakuha ng “asylum” sa pamahalaan sa The Netherlands.

Honeylet sa pag-aresto kay Duterte: Kinidnap n’yo siya, wala kaming laban

March 17 , 2025 – 12:10 PM
Honeylet sa pag-aresto kay Duterte: Kinidnap n’yo siya, wala kaming laban
LUMULUHANG naglabas ng galit at sama ng loob si Honeylet Avanceña sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Arnold Clavio pinuna oxygen tank ni Duterte na hindi nakakabit sa tubo

March 17 , 2025 – 12:50 AM
Arnold Clavio pinuna oxygen tank ni Duterte na hindi nakakabit sa tubo
NI-REPOST ni Arnold Clavio ang isang litrato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang may nakakabit na oxygen tank.

Bong Go awang-awa kay Duterte: Alam n’yo bang wala siyang tsinelas?

March 16 , 2025 – 04:24 PM
Bong Go awang-awa kay Duterte: Alam n’yo bang wala siyang tsinelas?
AWANG-AWA si Sen. Bong Go kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nang arestuhin ito at dalhin sa The Hague, Netherlands.

Nadine Lustre epal daw, tinawag na ‘laos’, ‘user’ ng tagasuporta ni Duterte

March 16 , 2025 – 07:19 AM
Nadine Lustre epal daw, tinawag na ‘laos’, ‘user’ ng tagasuporta ni Duterte
KUNG anu-anong masasakit na salita ang ibinabato ngayon ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Nadine Lustre.

Kitty Duterte sinupalpal ng mga kontra kay Digong: Itigil na ang pa-victim!

March 16 , 2025 – 07:14 AM
Kitty Duterte sinupalpal ng mga kontra kay Digong: Itigil na ang pa-victim!
SA halip na makakuha ng simpatya, binarag pa si Kitty Duterte ng mga kapwa niya kabataan dahil sa mali nitong paraan ng pagtatanggol sa ama.

Medialdea iginiit na ‘kidnapping’ ang pagkakaaresto kay Duterte

March 15 , 2025 – 07:33 PM
Medialdea iginiit na ‘kidnapping’ ang pagkakaaresto kay Duterte
IGINIIT ni Salvador Medialdea sa International Criminal Court (ICC) na “pure and simple kidnapping” umano ang ginawa kay Duterte.

Pagharap ni Duterte sa ICC pinanuod ng pamilya ng EJK victims

March 15 , 2025 – 04:34 PM
Pagharap ni Duterte sa ICC pinanuod ng pamilya ng EJK victims
SINUBAYBAYAN ng ilan sa mga kaanak ng mga naging bikrima ng war on drugs ang unag pagharap ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pre-trial sa Internationa Criminal Court (ICC)

Imee Marcos wala sa Alyansa rally dahil sa pag-aresto kay Duterte

March 14 , 2025 – 07:37 PM
Imee Marcos wala sa Alyansa rally dahil sa pag-aresto kay Duterte
HINDI muna dadalo ang re-electionist na si Sen. Imee Marcos sa paparating na rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kung saan nakatakda siyang pumunta.

Kitty Duterte umapela sa madlang pipol: Stand for what is right

March 14 , 2025 – 06:17 PM
Kitty Duterte umapela sa madlang pipol: Stand for what is right
NANAWAGAN ang bunsong anak ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Kitty Duterte na ipagdasal ang kanyang ama.

CIDG Director sa pagmumura ni Kitty Duterte: Ayos lang, kumapal na balat ko

March 13 , 2025 – 05:50 PM
CIDG Director sa pagmumura ni Kitty Duterte: Ayos lang, kumapal na balat ko
“PAGBIGYAN na natin. Bata pa ‘yun eh!” Ito ang pahayag ni CIDG chief Police Major Gen. Nicolas Torre matapos murahin ni Kitty Duterte.

Honeylet Avanceña posibleng kasuhan ng PNP ng direct assault

March 13 , 2025 – 05:11 PM
Honeylet Avanceña posibleng kasuhan ng PNP ng direct assault
PINAPLANO na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng reklamong “direct assault” laban kay Honeylet Avanceña.

Kitty Duterte ikinumpara sa anak ng former presidents, kinulang sa manners?

March 13 , 2025 – 04:51 PM
Kitty Duterte ikinumpara sa anak ng former presidents, kinulang sa manners?
HINDI maiwasang ikumpara si Kitty Duterte, bunsong anak ni Rodrigo Duterte sa mga naging anak ng mga nagdaang presidente in terms ng ugali.

Igan sa kumampi kay Duterte: Naawa ba sila sa mga pinatay na menor de edad?

March 13 , 2025 – 09:21 AM
Igan sa kumampi kay Duterte: Naawa ba sila sa mga pinatay na menor de edad?
SINOPLA ng veteran broadcast journalist na si Arnold Clavio ang nagsasabing awang-awa sila sa sinapot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Rosmar Tan awang-awa kay Rodrigo Duterte, kinampihan si Kitty

March 13 , 2025 – 09:08 AM
Rosmar Tan awang-awa kay Rodrigo Duterte, kinampihan si Kitty
BUGBOG-SARADO ang social media personality na si Rosmar Tan matapos kampihan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Rodrigo Duterte sinigurong OK siya, nangako: Ako ang managot sa lahat!

March 13 , 2025 – 08:30 AM
Rodrigo Duterte sinigurong OK siya, nangako: Ako ang managot sa lahat!
SINIGURO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maayos ang kanyang kalagayan sa pagdating sa Rotterdam, The Netherlands, kahapon, March 12.

Robin Padilla barag na barag sa bashers: Sige sumama ka na sa kulungan!

March 13 , 2025 – 12:50 AM
Robin Padilla barag na barag sa bashers: Sige sumama ka na sa kulungan!
HALOS lahat ng nababasa naming comments sa social media ay puro banat at pambabasag sa aktor at public servant na si Sen. Robin Padilla.

Kim Chiu idinamay sa isyu ni Duterte: Wag n’yo ko isali, parang awa n’yo na!

March 12 , 2025 – 07:36 PM
Kim Chiu idinamay sa isyu ni Duterte: Wag n’yo ko isali, parang awa n’yo na!
IKINALOKA ni Kim Chiu ang akusasyon na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pinatatamaan niya sa isang segment ng “It’s Showtime.”

EDSA Shrine bantay-sarado ng mga pulis matapos maaresto si Duterte

March 12 , 2025 – 05:41 PM
EDSA Shrine bantay-sarado ng mga pulis matapos maaresto si Duterte
NAKAANTABAY na ang ilang miyembro ng awtoridad mula sa Quezon City Police District at Special Weapons and Tactics sa paligid ng EDSA Shrine.

Kitty Duterte manang-mana raw kay Digong, malutong ding magmura

March 12 , 2025 – 02:20 PM
Kitty Duterte manang-mana raw kay Digong, malutong ding magmura
HATI ang reaksyon ng publiko sa pagmumura ni Kitty Duterte sa isang opisyal ng PNP matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagkampi raw ni Vice Ganda kay Duterte viral: FAKE NEWS! Wag paniwalaan!

March 12 , 2025 – 09:10 AM
Pagkampi raw ni Vice Ganda kay Duterte viral: FAKE NEWS! Wag paniwalaan!
INALMAHAN ni Vice Ganda ang pagkalat sa social media ng fake quote card kung saan pinupuri ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kitty Duterte beast mode sa pag-aresto sa ama, minura direktor ng PNP-CIDG

March 12 , 2025 – 07:32 AM
Kitty Duterte beast mode sa pag-aresto sa ama, minura direktor ng PNP-CIDG
MINURA ni Veronica “Kitty” Duterte si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Nicolas Torre III.

‘Isama n’yo na ‘ko’ comment ni Robin viral uli matapos maaresto si Duterte

March 12 , 2025 – 12:13 AM
‘Isama n’yo na ‘ko’ comment ni Robin viral uli matapos maaresto si Duterte
PINAGPIPIYESTAHAN ng netizens ang pahayag noon ni Sen. Robin Padilla kapag inaresto ang kapwa niya senador na si Ronald “Bato” dela Rosa.

Jake Ejercito humugot matapos maaresto si Duterte: Ngayon na ang singilan

March 11 , 2025 – 08:29 PM
Jake Ejercito humugot matapos maaresto si Duterte: Ngayon na ang singilan
BINUHAY ni Jake Ejercito ang alaala ni Kian Delos Santos, isa sa biktima ng war on drugs sa administrasyon ni Rodrigo Duterte.

Risa Hontiveros umaasang susunod si Duterte sa proseso ng ICC

March 11 , 2025 – 04:34 PM
Risa Hontiveros umaasang susunod si Duterte sa proseso ng ICC
NAGLABAS ng pahayag si Sen. Risa Hontiveros hinggil sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes, March 11, 2025.

Kitty Duterte umalma sa pag-aresto kay Digong: Illegal detention, no warrant!

March 11 , 2025 – 03:14 PM
Kitty Duterte umalma sa pag-aresto kay Digong: Illegal detention, no warrant!
MATAPANG na inakusahan ni Kitty Duterte ang otoridad ng “illegal detention” matapos arestuhin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Rodrigo Duterte arestado sa NAIA dahil sa ‘crimes against humanity’

March 11 , 2025 – 02:23 PM
Rodrigo Duterte arestado sa NAIA dahil sa ‘crimes against humanity’
INARESTO ng mga otoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa NAIA Terminal 3 ngayong araw March 11, dahil sa “crimes against humanity”.

Duterte may campaign sortie sa HK, pero hinala ng iba tatakasan ang ICC?

March 9 , 2025 – 11:01 AM
Duterte may campaign sortie sa HK, pero hinala ng iba tatakasan ang ICC?
NAGING usap-usapan sa social media ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos maispatan sa NAIA noong Biyernes, March 7.

Disclaimer: Comments do not represent the views of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments which are inconsistent with our editorial standards. FULL DISCLAIMER
© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.