Honeylet Avanceña sa pag-aresto kay Duterte: Tao lang sila may Diyos kami!

Honeylet Avanceña, Rodrigo Duterte at Kitty Duterte
MATINDING trauma ang nararanasan ngayon ni Honeylet Avanceña dahil sa pag-aresto at pagkulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands.
Itinuturing ni Honeylet na masamang bangungot ang nangyari kay Duterte, lalo na ang ginawang pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) sa dating presidente sabay lipid patungong The Hague.
Ito’y sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y “crime against humanity” kaugnay ng ipinatupad ni Digong na war on drugs o “Oplan Tokhang.”
“Hanggang ngayon para sa akin parang bangungot. Hindi ako makapaniwala.
“Hindi ko akalain na kapag walang passport ang tao puwede palang dalhin (sa ibang bansa), pwede pa lang dukutin,” ang sabi ni Honeylet sa interview ng social media personality na si Claire Contreras o Maharlika.
“Doble ang trauma ko, noong sa Manila pati ‘yong sa Davao,” aniya pa.
Tanong ni Maharlika, kung natanggap na nila ang nangyari kay Duterte, “Reality na ‘yon e. Wala siya sa amin e. Ang pinanghahawakan na lang namin dasal na lang kami nang dasal.
View this post on Instagram
“Saka promises ng Panginoon, ‘yun lang. ‘Yun lang naman talaga,” sey pa ng common-law wife ni Duterte.
Rebelasyon pa ni Honeylet, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakatulog nang maayos sa bahay nila sa Davao.
“Ever since na dumating ako galing from Metro Manila, hindi ako nakakatulog sa bahay namin. Nagpapalipat-lipat ako.
‘So I spared my daughter from such and ‘yong maliit na bata namin pinatira ko muna sa iba,” aniya.
“So, talagang nagdulot ng traumatic experience ‘yong nangyari sa inyo. Paano n’yo po nilalabanan ‘yung ganitong klaseng feelings, emotions, may takot siyempre.
“At ‘yung mga panggigipit na ginawa not only sa inyo lalo na kay FPRRD na na-witness n’yo po talaga ma’am?” ani Maharlika.
“Alam ito na lang ang inaano ko, Maharlika, tao lang sila may Diyos kami. Sabi nga ni FPRRD, this is only temporary,” sabi pa ni Honeylet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.