Lea Salonga todo support sa pagiging ‘transman’ ng anak

Lea todo support ang pagiging ‘transman’ ng anak: ‘I want my child to feel safe!’

Pauline del Rosario - April 04, 2025 - 11:20 AM

Lea todo support ang pagiging ‘transman’ ng anak: 'I want my child to feel safe!'

Lea Salonga, Nic Chien

PINATUNAYAN ng Pinay Broadway legend na si Lea Salonga na hindi lang siya bida sa teatro, kundi pati na rin sa papel niya bilang isang ina.

Sa April cover ng US magazine na People, kasama ng anak na si Nic Chien, ibinahagi ni Lea kung paano niya buong tapang at pagmamahal na sinuportahan ang kanyang anak sa gitna ng emosyonal nitong transition journey bilang isang transmasculine.

“The one thing I’ve learned is that you have to raise your child the way your child needs to be raised,” sey niya sa panayam.

Patuloy niya, “As a parent, I want to set my child up for success.”

Baka Bet Mo: Paalala ni Lea sa fans sa gitna ng viral video sa dressing room: ‘Just a reminder…I have boundaries, do not cross them’

“I want my child to feel safe and strong and ready to conquer the world on their own terms. You have to meet your child where they are,” aniya pa.

Walang mintis at walang kondisyon ang pagmamahal ni Lea. 

Para kay Nic, na babae nung siya’y isinilang at nakilala ang sarili bilang isang transman sa edad 14, hindi naging madali ang lahat.

“I’m still figuring it out. It took a while. A lot of crying,” pag-amin ni Nic.

Wika pa niya, “She (Salonga) just didn’t want my life to be as hard as it would be.”

Ngayon, nasa edad 18 na si Nic at mas malaya nang naipapahayag ang kanyang saloobin.

Ayon sa kanya, malaking tulong ang suporta ng kanyang mga magulang sa bawat hakbang ng kanyang paglalakbay.

“Sometimes I feel alone, but I’m not. It does really help to have people in your corner,” esplika ng anak ni Lea.

Ang magazine cover ng mag-ina ay proud na ibinandera mismo ng broadway star sa kanyang Instagram page.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga)

At agad naman itong binaha ng suporta mula sa kapwa-celebrities, kabilang na sina Hamilton creator Lin-Manuel Miranda, drag queen Eva Le Queen, at Korean-American singer Kevin Woo.

Samantala, cheer squad mode sina Dolly de Leon at Iza Calzado para kina Lea at Nic.

“Love this and so much love for you both! Forever your fan Ate [@msleasalonga] and I am rooting for you [@nicchien_official],” komento ni Iza sa post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kung akala n’yo hanggang photoshoot lang ang mother-and-son bonding nila, aba, nakatakda silang magsama sa isang entablado ngayong Agosto!

Tampok ang mag-ina sa Philippine production ng “Into the Woods” kung saan si Lea ang gaganap bilang Witch, habang si Nic naman bilang Jack.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending