Jesi Corcuera foreigner ang sperm donor sa artificial insemination
MAS malala pa raw sa “rollercoaster ride” ang naging proseso sa pagbubuntis ng dating “PBB” housemate at “StarStruck” Avenger na si Jesi Corcuera.
Kuwento ng proud transgender man, matinding hirap at sakripisyo ang kanyang pinagdaanang dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak.
Ayon kay Jesi, seven months na ang sanggol na kanyang ipinagdadalang-tao sa pamamagitan ng artificial insemination kaya dalawang buwan na lamang ay masisilayan na niya ang kanyang baby.
Sa panayam ng “Unang Hirit”, naikuwento ni Jesi na hindi siya nakaramdam ng morning sickness o pagsusuka noong mga unang buwan ng pagbubuntis.
Ngunit ngayon ay talagang feel na feel na niya ang pagdadalang-tao kasabay ng pag-amin na napakahirap ng pinagdaanan niya bago mabuntis.
“Hindi siya biro. Financially, emotionally, mentally, lahat po talaga. Mas malala pa siya sa rollercoaster,” ani Jesi.
View this post on Instagram
Kinailangang itigil ni Jesi ang pag-inom ng hormones para tumaas ang estrogen levels sa kanyang katawan na higit sa testosterone.
“Maraming changes. Believe ako sa partner ko kasi siya ‘yung sumalo. Lalo na ngayong buntis ako, lagi niya sinasabi, ‘Hormones mo ‘yan.’
“Hinsi ko masyadong naiintidihan kasi first time ko,” aniya pa.
Tatlong taon daw ang kanyang hinintay bago natupad ang pangarap niyang mabuntis, “Marami akong paghahandang ginawa.”
Nabanggit din ni Jesi na isang foreigner na nasa Pilipinas din ang naging sperm donor sa pagsailalim niya sa artificialinsemination at hanggang ngayon ay nakakausap pa rin niya ang lalaki.
Ipakikilala ba niya ang anak sa biological father nito, “Kung kukuwestiyunin niya in the future willing naman akong ipakita sa kanya and i-explain sa kanya kung paano ‘yung naging proseso kasi mas maganda pa rin na alam niya.”
Baby girl daw ang magiging first baby ni Jesi, na tinawag niyang “Ninja.”
Sa mga hindi pa aware, si Jesi ay naging contestant sa “StarStruck: The Next Level” ng GMA 7 noong 2006 kung saan nakasama niya sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Paulo Avelino at Chariz Solomon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.