Kim buwis-buhay ang pagba-bike, sinagupa ang mga rumaragasang truck, bus, jeep: ‘Parang 20 rollercoaster ride ang nasakyan ko sa kaba!’
MARAMING pinakaba ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu sa kanyang latest post sa Instagram.
Kasi naman, Kim posted videos and photos of her biking experience. Talagang walang takot niyang sinagupa ang mga bus at kotse sa daan na kitang-kita sa video.
“Early morning grind to catch some #KIMadvenCHIUre,” caption ni Kim sa kanyang videos and photos.
“My first time biking in the city from BGC to Okada and then back to BGC! somewhat scary, but you won’t know the feeling unless you try!!! Face your fear!!!
View this post on Instagram
“Sabi ko gusto ko lang ng adventure like rollercoaster pero parang 20 rollercoaster ride nasakyan ko sa kaba!!!! Truck, jeep, taxi, motor, bus, kalesa, pedicab and many more ang makakasalubong LIKE O to the M to the G!!!!!
“But it was super FUN! thanks, Cyril, Bernard, Grace and to @rinaveracruz for the invite SA SUSUNOD ulit!!!! #tapangtapangan.com. Congrats, Self! #AdrenalineJunkie in me has been unleashed!!!!” dagdag pa niya.
Ang daming na-bother sa post na iyon ni Kim. Masyadong scary para sa kanila ang ginawa ng actress and TV host.
“Kinabahan ako sa bus miss Kimmy,” say ng “Dirty Linen” star na si Janine Gutierrez.
Bothered din ang iba pang fans ni Kim.
“Sana kimmy last na yan pls. wag ng uulitin dimo alam sa susunod? Paano qung may mangyari sau? (knock on wood) ingat.”
“Just for experience kimmy but di talaga safe ang roads for biking dagdag pa ang maraming salbaheng drivers kaya sana stop na kakatakot for you.”
View this post on Instagram
“Ingat lagi kim hindi biro outdoors biking delikado yan kng mahalaga pa buhay mo sana tigil mo na yan, nag-alala lang sa kapakanan mo.”
“Please do take care of yourself always bcoz we care. Huwag na sana sa maraming kasalubong na sasakyan k mag bike. Nkka kaba!”
“Ingat ka kimmy, nakkatakot yung buses na nakakasalubong mo.”
“Amazing and inspiring! Good thing you we were able to visit Luneta and Intramuros. Ingat palagi!”
Kahit grabe ang kaba napagtagumpayan natin ang hamon! – Enchong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.