Glaiza ibinuking ang drama ng ‘Running Man PH’ cast sa last taping day: Yung mga Korean nagtataka, ‘Bakit sila umiiyak?’
NAG-IYAKAN ang mga Kapuso stars na maglalaban-laban sa pinakabagong reality show ng GMA na “Running Man Philippines” nu’ng huling araw ng kanilang shooting sa South Korea.
Humarap sa entertainment media last Saturday ang pitong cast members ng inaabangan nang “Running Man Philippines” para ibandera ang world premiere ng programa sa September 3.
Ginanap ito sa Grand Fan Fest ng show sa Robinsons Manila Midtown Atrium at naroon nga sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian.
Sa isang bahagi ng presscon, natanong ang mga contenders sa tinaguriang biggest reality show on Philippine TV kung anu-ano ang “most unforgettable experience” nila habang ginagawa ang “Running Man Philippines” sa Korea.
Para kay Glaiza, ang last taping day daw nila ang pinakatumatak sa kanya more than anything else, “Bukambibig ko talaga sa pamilya ko, sa kaibigan ko. ‘Yung after ng Running Man, ‘yung mga nangyari. Siguro, parang sinemento lang din nu’ng last day ‘yung nabuong bonding namin, nabuong friendship, ‘yung nabuong family.”
View this post on Instagram
“Emosyonal talaga kami na parang ‘yung mga Koreans nagtataka, ‘Bakit sila umiiyak?’ Siyempre ‘yung Running Man ay known for comedy and good vibes, pero siyempre mami-miss kasi namin ‘yun.
“So ‘yun ‘yung parang isa sa mga tumatak din sa akin na alam ko na hindi na siya mare-replicate,” dagdag niyang chika.
Sagot naman ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, “Ang hirap pumili ng isa, pero para sa akin kasi ‘yung buong trip sobrang unforgettable experience siya sa akin, dahil napakarami kong natutunan dito, especially sa mga kasamahan ko.”
Nagbigay naman si Mikael Daez na isang trivia tungkol sa bus na ginamit nila sa pagpunta sa location ng kanilang taping. Ito rin daw ang sinakyan ng mga contestants sa mga nakaraang season ng original “Running Man” sa Korea.
“Nu’ng nagta-travel kami, I think relatable ‘to sa mga nanood ng Running Man OG. ‘Yung bus na ginagamit nila for the first few seasons, ‘yun din ‘yung bus na ginamit namin.
“And doon sa bus na ‘yun siyempre in between locations, before and after tapings, doon kami nag-uusap, ‘yung mga chikahan.
“Doon namin nararamdaman lahat ng after effects ng mga mission na ginawa namin. O think ‘yung moment namin doon sa bus sobrang memorable ‘yun,” sey pa ni Mikael.
Samantala, nagkuwento naman si GMA Network Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable tungkol sa mga challenges na pinagdaanan nila sa pagbuo ng “RMP”.
“Bago pa nasara ito, ‘yung contract signing nito sa GMA na nandito ‘yung mga taga-SBS happened two years ago.
“It was the start of the pandemic, may mga alcohol na sila at saka dumaan na talaga sa pag-check-up ‘yung mga Koreans. So, it took two years kasi we kept on moving and moving it.
“It was supposed to happen first here in the Philippines and then maybe a few scenes in Korea, kaya nga lang urong siya ng urong dahil sa dami ng lockdown,” aniya pa.
“So, nu’ng nagbukas ang Korea, naisip na doon na lahat gawin. Kaya medyo sa tagal ng paghihintay, maganda, nakapaghanda naman nang maigi para mai-stage ‘yung Running Man ng the best way possible and the safest way possible,” sabi pa ng GMA executive.
https://bandera.inquirer.net/284489/glaiza-naghahanda-na-sa-pag-aasawa-kailangan-ko-nang-maging-financially-independent
https://bandera.inquirer.net/297075/pinoy-actor-sa-squid-game-biktima-ng-diskriminasyon-sa-korea-binato-ng-repolyo-sa-bus
https://bandera.inquirer.net/311209/robin-tinatraydor-daw-ng-senador-na-kapartido-niya-mariel-umalma-naku-matakot-kayo-sa-panginoon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.