Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim: ‘You never left my side’

Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’

Pauline del Rosario |May 12,2023
facebook
share this

Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’

Pauline del Rosario - May 12, 2023 - 04:37 PM

Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’

PHOTO: Instagram/@kamchiu

HINDI matatawaran ang pagmamahal ng TV host-actress na si Kim Chiu para sa nakakatanda niyang kapatid na si Ate Lakam.

Ayon sa kapatid ng aktres, hindi siya iniwan ni Kim noong nawalan siya ng malay at isinugod sa ospital.

Makikita ang naging pahayag ni Ate Lakam sa latest post ni Kim na kung saan ay nagbahagi ito ng “inspirational quote” tungkol sa pag-asa.

Komento ni Ate Lakam, “Thank you for always being there for me…You never LEFT my side.”

Sey pa niya, “I’m able to open my eyes every morning because of you. And I regained my purpose in life the second time around because of you.”

“I couldn’t thank you enough for everything you have done! I Love you my #QueenChiu #KimChiu #supergrateful [pink heart emojis],” aniya.

Baka Bet Mo: Mabilis na paggaling ng kapatid ni Kim Chiu isang milagro: ‘Best gift ever is an answered prayer!’

Nag-reply naman diyan si Kim at sinabing, “love you so much sissy ko!!!! [crying face emojis].”

Kung maaalala, mahigit isang linggong nawala si Kim sa noontime show na “It’s Showtime” dahil nagkasakit ang kanyang Ate Lakam.

Nagugunita rin na napurnada ang selebrasyon ng ika-33rd birthday ng TV host noong April 19 dahil isinugod sa ospital ang kanyang ate.

April 23 naman nang inihayag ni Kim na nakalabas na sa intensive care unit (ICU) ang kapatid at hinihintay na lang nilang magkamalay ito.

Masayang ibinalita ng dalaga na noong April 25 ay nagising na si Lakam makalipas ang limang araw nitong pagkaka-confine sa ospital.

Ayon sa mga doktor, maituturing na milagro ang nangyari kay Lakam dahil sa bilis ng recovery nito na talaga namang ipinagpapasalamat ng pamilya ni Kim sa Panginoong Diyos.

Noong April 28 lamang nang nakabalik sa pagho-host si Kim at masaya niya itong ibinandera sa kanyang Instagram account.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sister ni Kim na si Lakam nagkamalay na matapos ma-ICU nang ilang araw: ‘I was shocked my ate called me and asked what happened’

Heart 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping; huling serye na ang ‘I Left My Heart in Sorsogon’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending