Janno Gibbs minura mga basher matapos kuyugin dahil kay Dennis

Janno minura mga basher matapos kuyugin dahil kay Dennis: Mga ul*l!

Ervin Santiago - April 14, 2025 - 09:23 AM

Janno minura mga basher matapos kuyugin dahil kay Dennis: Mga ul*l!

Dennis Padilla at Janno Gibbs

MINURA ng actor-singer na si Janno Gibbs ang mga netizen na kung anu-anong pinagsasabi sa kanya matapos makisimpatya sa pinagdaraanan ngayon ni Dennis Padilla.

Hindi napigilan ni Janno ang sarili na pumatol sa bashers nang makatanggap ng pamba-bash nang dahil sa naging reaksyon niya sa nangyari kay Dennis sa kasal ng anak nitong si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.

Sa Instagram post ng kapwa komedyante na si Gene Padilla tungkol sa pambabalewala raw ni Claudia at ng ina nitong si Marjorie Barretto sa kanyang kapatid ay nag-post si Janno ng tatlong crying emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito ay binatikos na nga ng mga netizens si Janno. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon.

“Enabler yarn!”

“Bwesit manahimik ka!”

“Enabler moves.”

“Nangungunsinti na naman.”

Hindi naman basta nanahimik ang veteran comedian at OPM artist sa pambabasag sa kanya ng mga haters. Resbak ni Janno, nakikisimpatya lang siya sa kaibigang may pinagdaraanan.

Minura rin niya nang bonggang-bongga ang mga bumatikos sa kanya.

“Nakikisimpatya lang sa kaibigan.

“Mga put*ngin*nyo. Wala nmn ako sinabing sang ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na?” ang hirit ni Janno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Hindi ko siya pinagtatanggol, mga ulol. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga tanga.” Sinundan pa niya ito ng  “dirty finger” emoji.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending