Wedding gift ni Dennis kina Claudia at Basti: bagoong, Astig cap

Dennis ibinandera wedding gift kina Claudia at Basti: bagoong, Astig cap

Reggee Bonoan - April 13, 2025 - 10:24 AM

Dennis ibinandera wedding gift kina Claudia at Basti: bagoong, Astig cap

Dennis Padilla, Claudia Barretto at Basti Lorenzo

ANG tindi ng impact ng ginawa ng aktor na si Dennis Padilla sa nakaraang kasal nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo dahil siya ang topic sa lahat ng umpukan.

Nasa isang mall kami nitong Sabado at may mga nakakasalubong kami na ang tsikahan ay ang tungkol sa ginawa ni Dennis sa kasal ng anak nila ni Marjorie Barretto.

Maging sa restaurant kung saan kami kumain ay ang aktor pa rin ang topic at kasama na ang ex-wife niya na binasag siya sa panayam nito kay Ogie Diaz sa vlog nito at napapanood sa YouTube channel.

Anyway, laman pa rin ng social media si Dennis at maraming payo kaming nabasa tungkol sa kanya na marahil ay nabasa na rin niya dahil mahilig namang magbasa ng komento ang aktor.

Ito ang nagmarka sa amin, “She’s walking down the aisle glowing, graceful, and grounded. Not because of who raised her, but because of who showed up.

“To the man invited as a guest, not as a father. Yes, you’re on the list.

“No, you’re not in the role.

“You missed the late nights, the scraped knees, the school recitals. You weren’t there when she needed a dad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“But at least now, you’ll get a seat, just not the title.

“Here’s a thought:

“Fatherhood isn’t about DNA. It’s about presence.

“It’s about showing up when it’s hard, not just when it’s pretty.

“To all the ‘fathers’ who disappeared when it mattered, This is your reminder: respect is earned. Not inherited. Not demanded. Not automatic.

“You were invited because she’s kind, not because you were deserving. This wedding is proof that a child can grow, love, and succeed even without a father who stayed.

“She made it without you. Now you get to watch her win. From the back row.”

Samantala, bago pala dumalo sa kasal si Dennis ay nag-live siya at ipinakita kung ano ang regalo niya kina Claudia at Basti.

“Hi guys, it’s an exciting day today, prepare ko muna ang mga gifts ko, una itong aking souvenir para sa kanilang dalawa, Astig Cap (may mukha ni Dennis) at siyempre mayroon din akong binalot na Super Lola Bagoong dalawang flavor ‘yan, merong sweet at siyempre merong spicy,” bungad ni Dennis sa kanyang live video.

Ipinakita rin ni Dennis ang damit na isusuot niya sa kasal, yes sa kalagitnaan ng live niya ay inamin niyang ikakasal na ang anak na si Claudia kay Basti at naiyak nga raw siya dahil imbitado siya na hindi naman niya ini-expect.

“Si Claui ay ikakasal today, I think it’s a big wedding with Basti Lorenzo and I met Basti rin for the first time on March 18.

“I’m very happy na nakakita na si Claudia ng life partner na makakasama niya habambuhay.

“Nagkaroon ako ng ginhawa sapagkat alam kong meron ng magmamahal sa aking anak ng habambuhay at natuwa naman ako dahil na-invite ako sa wedding and I never expected it.

“Kasi I already prepared myself na kapag magkakaroon ng ganitong okasyon ay hindi na ako nag-e-expect na ma-invite kasi nga hindi ko naman sila nakakausap o nakikita madalas,” kuwento ng father of the bride.

Inamin din ni Dennis na nagkita nga sila ng mga anak niyang sina Julia, Claudia at Leon noong Marso 18 pagkalipas nang limang taon at isinama niya ang mama niya na napaiyak pa dahil hindi naman daw niya sinabing kikitain niya ang mga apo nito.

Binanggit ni Dennis na 81 years old ang nanay niya, pero ang sinabi niya sa panayam niya kay Ogie ay 87 years old at ito rin ang ipinost niya nu’ng galit siya na ayaw niyang makita siyang umiiyak ng nanay niyang 87 years old na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Anyway, moving forward, inamin ni Dennis na marami siyang pagkukulang sa anak na si Claudia kaya sobrang tuwa niya na imbitado siya sa kasal at sana ay magkaroon na siya ng apo mula kina Claudia at Basti dahil wala pa siyang apo sa edad niya.

“Ang wish ko sana mabigyan ninyo ako ng apo bago ako pumanaw man lang.  Congratulations on your wedding and I love you both and sana magkaroon pa rin tayo ng communication hanggang matapos ang wedding or after the wedding.

“Sana magkaroon pa rin tayo ng continued communication kasi Claui gusto ko rin siyempreng makabawi sa ‘yo, ang dami kong pagkukulang s aiyo, grabe. I love you!” emosyonal na pahayag ni Dennis.

Base sa video ni Dennis ay hindi niya expected na imbitado siya at higit sa lahat, wala rin siyang sinabing excited siya na ihahatid niya sa altar si Claudia dahil nga siguro sinabihan na siya na gusto ng anak na solo itong maglalakad sa aisle at um-oo naman siya noong nagkita sila ng March 18.

Anyare? Bakit pagdating sa simbahan ay nag-iba na ang timpla ni Dennis at nagmamaktol na bakit hindi siya naghatid sa anak?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish pa rin namin na magkaayos ang mag-amang Claudia at Dennis, isama na rin si Julia na sinabihan ng aktor ng “kapal n’yo!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending