Sue Ramirez babaeng-babae sa piling ni Dominic Roque: Disney Princess talaga!

Sue Ramirez at Dominic Roque
MARIING pinabulaanan ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez na namanhikan na si Dominic Roque sa kanyang pamilya.
Paglilinaw ng dalaga, walang bahid ng katotohanan ang naglabasang mga chika tungkol sa pamamanhikan ng kanyang boyfriend na ibinase lamang sa mga ipinost niyang litrato sa social media kasama ang kanyang nanay.
Matagal nang magkakilala ang ina ni Sue at si Dom at kuha raw ang mga litrato nilang magkakasama sa pag-alala sa kaarawan ng pumanaw niyang ama.
“Hindi yun pamamanhikan. Actually, nilibre pa niya yung family ko nu’ng mag-birthday ang tatay ko.
“Sobrang na-appreciate ko yung gesture niyang yun. And my family’s getting close to him also,” paliwanag ni Sue nang makachikahan ng BANDERA after ng presscon ng latest movie niyang “In Between” kasama si Diego Loyzaga.
Sey pa ni Sue, wishing siya na si Dom na nga ang kanyang “the one” at umaasa rin na sana’y sila na nga ang magkatuluyan sa huli lalo’t 29 years old na raw siya ngayon.
Aniya pa, sobrang napi-feel niya ang presence ni Dominic kapag magkasama sila dahil maalaga at thoughtful daw talaga ang kanyang boyfriend.
View this post on Instagram
“Babaeng-babae ako! Tingnan n’yo naman kung gaano kahaba ang hair ko ngayon!” ang natatawang sey ni Sue sabay hagod sa kanyang long and curley hair.
“Sobrang maalaga si Dom, I feel like a Disney princess. Sabi ko nga, parang wala naman akong kuwenta sa samahan na ‘to, parang ikaw lang lagi ang nagbibigay,” ang kinikilig pang chika ng aktres.
Samantala, hindi raw tulad ng character niya sa “In Between” bilang Gaila na confused sa pakikipagrelasyon, sure na sure raw siya sa feelings niya kay Dominic.
“Hindi po ako confused. Sure na ako. I think naman po, yung mga babae, kung ano ang ipinakikita sa tao, yun din ang mga gusto niyang makuha sa tao na ‘yon.
“So, kung maalaga kang tao, yung din ang gusto mong makuha from him or her. Kung napapatawa mo siya, gusto mo napapatawa ka rin niya. Reciprocation lang po talaga. Mirroring your partner is the best way to make you feel loved,” ang paniniwala ng dalaga.
At dahil may konek sa alak ang pelikula nila ni Diego na “In Between”, ipinaliwanag ni Sue kung bakit beer ang type ng character niyang si Gaila.
“As Gaila choice of alcohol ko ay beer. Dito sa pelikula, dyina-judge yung mga tao base sa pinipili nilang alak. So ako, dahil beer, strong on the outside pero naman talaga, may mga pinagdadaanan din inside.
“She’s still lost, that’s why nag-put up siya sa in between na status ng relationship because mayroon pa siyang hinahanap. May kulang pa sa sarili niya kaya di pa siya maka-fully commit.
“I think yung character ko is very confused in her life. As ako rin naman, sa edad na ito parang ang dami pa rin nating gustong gawin, ang dami ng gusto nating i-try. Parang hanggang ngayon ay hinahanap pa rin natin ang sarili natin,” paliwanag niya.
Ibang-iba raw sila ng paniniwala ni Gaila tungkol sa pakikipagrelasyon, lalo’t hindi niya nakikita ang sarili sa label na tinatawag na “situationship,” na siyang sentrong tema ng “In Between.”
“Hindi ako nagdya-judge kung yun ang pinipili nila at hindi sila ready na pumasok sa isang relationship. It’s hard to force din naman.
“Of course, iba-iba tayo ng priorities. Yung iba gusto nilang magtrabaho kaysa maghanap ng love life. Yung iba naman gusto magka-love life kaysa magtrabaho. Iba-iba talaga yung preferences ng mga tao.
“I believe at this point in time, we shouldn’t judge the choices that people make. If that what makes them happy then, they should do it as long as wala silang natatapakang iba.
“Ako, I don’t think I’m the type to do ‘in betweens.’ I think, lover girl talaga ako,” sabi pa ni Sue.
Showing na ang “In Between” sa mga sinehan simula sa May 7 under Viva Films. Ito’y mula sa direksyon ni Gino Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.