Dennis Padilla ipinagtanggol ang utol: 'Dear Gene, wala kang mali

Dennis Padilla ipinagtanggol ang utol: ‘Dear Gene, wala kang mali…salamat’

Ervin Santiago - April 15, 2025 - 04:32 PM

Dennis Padilla ipinagtanggol ang utol: 'Dear Gene, wala kang mali...salamat'

TODO-TANGGOL si Dennis Padilla sa kanyang utol na si Gene Padilla matapos itong kuyugin ng netizens sa pakikisawsaw sa kontrobersiyal na kasal ni Claudia Barretto.

Bugbog-sarado si Gene sa mga bashers nang ipangalandakan ni Marjorie Barretto na hindi naman pala siya imbitado sa kasal ng anak nila ni Dennis pero kung makapagkomento ito ay wagas na wagas.

Tila sinulsulan pa raw nito si Dennis na mas lalong magalit at ma-bad trip sa mga anak kay Marjorie sa halip na pigilan ang komedyante na manahimik na lamang bilang pagrespeto sa kasal ng kanyang anak kay Basti Lorenzo.

Sa kanyang Instagram page, muling nag-post si Gene ng mensahe sa lahat ng bumabanat at nangnenega sa kanya, “It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you—but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing.”

Baka Bet Mo: Dennis Padilla ibinandera wedding gift kina Claudia at Basti: bagoong, Astig cap

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa comments section ng IG post ni Gene, nag-iwan ng mensahe si Dennis. Aniya, “Dear Gene… Wala kang mali… Nagbigay ka lang ng suporta sa akin… Dahil naramdaman mo ako… Salamat (crying face, heart emojis).”

Matatandaang noong April 9 ay ibinahagi ni Gene sa IG ang pagkadismaya dahil noon lang daw siya nakasaksi ng kasal na ang tatay ng bride ay “guest” lamang.

“Napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari…kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at papicture na lang sa kinasal…naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin… naramdaman ko yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako… ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak.

“Yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo…. puro kayo karangyaan at kasikatan… sa inyo na lahat yan… sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo…

“Pero pinag kaiba batin yung puso namin at dignidad di niyo kaya pantayan…kahit magtanong kayo sa ibang magulang tama ba o mali ang ginawa niyo sa tatay niyo??? Dennis Dominguez Padilla Cheeni Taa Samuel Baldivia di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!!” ang reklamo ni Gene.

Pero matapos ngang magsalita ni Marjorie na hindi naman pala invited ang komedyante sa kasal ni Claudia ay bugbog-sarado siya sa mga netizens.

Pambabarag ni Marjorie sa kapatid ni Dennis, “Ano ba ang nira-rant mo Gene?  First thing first no offense, you were not invited to the wedding, si mama (ex-mother in law) lang at si Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi sa ranting niya parang nagising pa siya ng 5a.m. mula Bulacan pumunta pa siya ng Alabang, wala naman nagsabing gawin mo ‘yun Gene.

“Imbes na pinahinahom mo ‘yung kapatid (Dennis) mo, finuel mo pa, eh. Mas charged daw siya ang kuwento ng mga pamangkin ko, ‘siya pa (galit), si kuya walang role, walang ganyan. Ina-agitate mo pa.

“Alam mo bigla kang nag-post, it’s just so, hindi ka invited Gene, eh.  With all your due respect my daughter has now recollection of you.  Wala kayong naging relasyon,” ani Marjorie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending