Dennis Padilla: Alam ko si Claudia, ayaw n'ya nung nangyari

Dennis Padilla: Alam ko si Claudia, ayaw n’ya nung nangyari

Therese Arceo - April 10, 2025 - 09:49 PM

Dennis Padilla: Alam ko si Claudia, ayaw n'ya nung nangyari

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang nangyari sa pagitan ng actor-comedian na si Dennis Padilla at anak na si Claudia Barretto.

Matatandaang nitong Martes, April 8, ikinasal na si Claudia sa kanyang longtime boyfriend na si Basti Lorenzo.

Ngunit imbes na maging masaya ay nauwi sa samaan ng loob ang pangyayari dahil imbes na bilang “father of the bride” ang atake ni Dennis ay naging “guest” na lamang siya.

Sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli, naglabas siya ng sama ng loob sa hindi magandang pagtrato sa kanya sa kabila ng excitement na nararamdaman niyang maging bahagi ng unang anak niyang ikinasal.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla dadalhin hanggang sa hukay ang tampo, pagod nang maghabol sa mga anak

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero amin ni Dennis, nararamdaman niya na hindi gusto ng kanyang anak ang mga nangyari.

Marahil ay napilitan lang ito dahil sa kagustuhan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

“Alam ko si Claudia, ayaw n’ya nung nangyari. Alam ko. Nafi-feel ko na ayaw n’ya nung nangyari. Gusto niya akong umupo doon [sa pwesto ng father of the bride]. Gusto niya akong kasamang maghatid sa kanya [sa altar],” sey ni Dennis.

Dagdag pa niya, “I can see it in her eyes. Nararamdaman ko kahapon e. Pagharap niya sa mga tao, hinahanap niya ako.”

Pagod na rin daw si Dennis na mag-reach out sa kanyang mga anak dahil sa pambabastos na ginawa nito sa kanya.

“Ayoko na. Surrender na. I’m finished… Tatay na lang nila ako pero bringing back the relationship, wala na siguro. Maybe we can just played around with the memories pero that’s it, finished,” sey ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending