Claudia Barretto, Basti Lorenzo kasal na, Dennis nagtampo: Nabudol n’yo ko!

Claudia Barretto, Basti Lorenzo at Dennis Padilla (Photos from Instagram)
IKINASAL na kahapon, Abril 8, 2025 ang dating singer na si Claudia Barretto sa long-time boyfriend na si Basti Lorenzo kasabay ng kanilang 10th anniversary.
At ipinagmamaktol ito ng ama ni Claudia na si Dennis Padilla dahil hindi siya ang naghatid sa anak sa altar base sa nagkalat na TikTok videos.
Hindi naman nakunan ng video kung sino ang naghatid kay Claudia sa altar pero nakita na secondary sponsor si Julia Barretto na naglakad at may dalang bulaklak.
May video na may pictorial sina Dennis, Claudia at Basti sa altar pagkatapos ng kasal kung saan kinamayan ng father of the bride ang kanyang son-in-law.
Anyway, pagkalipas ng isang oras, pagkatapos siguro ng kasal, ay may picture post si Dennis sa kanyang Instagram account na nakasulat sa isang yellow pad.
Ang mababasa rito, “Grabe kayo!! Nabudol n’yo ko. Father of the bride naging visitor!! Galing n’yo!” Nakalagay din sa gilid ng yellow pad ang “sagad sa buto.”
Ang caption ng aktor sa kanyang post ay, “Finish (broken heart emoji).”
Maraming nag-react na netizens sa post na ito ni Dennis. Narito ang ilan.
“Sir you should be silent the more you this they will hate you on posting on public. if you are not acknowledge as a father please be grateful they still invited you, remember you don’t have relationship with Claudia just be grateful and remove this post.”
“He is the father po of the bride.”
“Kahit na ma’am those kids grew up without him , they don’t have that relationship father daughter bonding, he should respect Claudia’s choices.”
“Naririnig mo ba ang sinasabe mo ante be grateful kc in-invite ang TATAY?? Dapat makuntento sya dun dahil na-invite??? Ok ka lng??? Tatay ‘yan kht pagbalik baliktarin ang mundo AMA YAN!! Kung ano man ang naging kasalanan dba gustong bumawi?? Nag e-effort nman sya?? Tatay ko iniwan kme pero never akong nagalit kc tatay ko un ano man dahilan nya, hinde ako nagtanim ng sama ng loob kc AMA ko un! At takot ako sa balik nun sken!”
“Sana hindi nalang in-invite ang father nila kesa naman sumama lang ang loob habang pinanunuod ng father ang ceremony ng kasal. Of course bilang in-invite ang father nag expect cya na may participation cya sa program. Huh ewan nalng din!”
“Naalala mo si Marian Rivera wedding Nya? Di ba papà n’ya nag hatid na pede naman sana ang Stepfather Nya! Pero hindi! Mas pinili Nya papà mag hatid!”
“Kawawa mga anak nya sa kanya. Malamang last chance na n’ya ‘yun. Hindi na s’ya ulit kakausapin kasi tuwing may problema laging nagi-ingay sa social media.”
“Our fingers are not the same. not because Marian did it gagawin din ni Claudia. I have my dad. I have my stepfather, I chose my stepfather. kase sya nag palaki sa akin not my dad, wala akong bonding sa kanya trauma ang mayroon ako sa real Dad ko. he respects my decisions.”
“Even, he is a father by sperms but it take a real man to be a father. kung naintindihan mo ako. it is very easy to talk , you are not in the same boat, you don’t know the longing, the pain , the trauma .please be kind it’s easy to say father. well he is just sperm donor. where was he when they need him the most?”
“Tatay Po siya , masakit Po Yan … Mas mabuti pa na hindi na lang na-invite kaysa ipahiya po.”
“Jusko namn sir dennis kunting kahihiyan namn sana sa mga anak mo ok na yan at least di ka nila nakalimutan i invite ikw lang ang gumagawa ng paraan para siraan anak mo eh bigay muna sana araw nato sa anak mo jusko ka namn mas lalo kalang kamumuhian nila sa mga pinag gagawa mo sana namn u deal it privately nalng hindi yung mag popost kapa.”
“I saw the video of you in Claudia’s wedding sa TT. The fact na nainvite po kayo means she still respect you as a father. Moment niya po yun. It supposed to be a memorable once in lifetime event for HER. It’s her wedding. It’s about her and not about you. Yet there you are ruining it for her.”
Samantala, binalikan ulit namin ang post ni Dennis para i-check kung ilan na ang nag-comment at engagement, pero nawala na ito. Marahil ay nabasa na niya isa-isa ang mga komento na pinayuhan siyang burahin ang post niya.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Dennis at ng mag-asawang Basti at Claudia o ng sinuman sa kanilang kampo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.