Hula ng Korean Saju Master kay Mikael nagkatotoo na; yung kay Glaiza kaya?

Mikael Daez, Megan Young, Glaiza de Castro at David Rainey
TULOY pa rin pala hanggang ngayon ang LDR o long distance relationship ng mag-asawang Glaiza de Castro at David Rainey.
Inamin ng Kapuso actress na sobrang challenging at matinding struggle pa rin para sa kanila ni David ang LDR pero talagang kinakaya raw nila ang lahat ng pagsubok bilang married couple.
Nasa Ireland ngayon ang husband ni Glaiza habang nasa Pilipinas naman siya at patuloy na nagtatrabaho. Pero sey ng aktres, araw-araw pa rin silang nag-uusap online.
“Masaya naman, though siyempre nandiyan pa rin ang challenges sa aming distance kasi hindi pa rin naman natatapos ‘yung ano namin e, parang chapter namin sa pag-alis at pagdating. ‘Yung love and hate relationship sa airport, nandiyan pa rin,” chika ni Glaiza.
Super happy daw sa feeling ang mag-celebrate ng mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko, Bagong Taon, at birthdays kasama si David at pamilya nito noong bumisita siya sa Ireland.
“Siyempre ang saya sa feeling na makasama siya sa mga importanteng okasyon na ‘yun, and then it has to end kasi kailangan kong bumalik dito,” ani Glaiza.
View this post on Instagram
Samantala, muling ibinandera ng Kapuso star sa buong universe na ready na siyang mabuntis at maging nanay sa unang anak nila ni David.
Noong August 17, 2024 episode ng “Running Man Philippines 2” ay nagpahula sina Glaiza at kapwa Runners na si Mikael Daez, Angel Guardian, at Kokoy de Santos sa pamamagitan ng Saju reading, ang tradisyonal na Korean fortune telling.
Base sa hula ni Mikael ng Saju Master na si Park Seong-jun ay magkaka-baby sila sa pagtatapos ng 2024 o sa pagpasok ng 2025.
Napag-usapan muli ang tungkol dito nang mag-guest si Glaiza kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan nabanggit nga na nagkatotoo na ang hula kay Mikael dahil nagdadalang-tao na ngayon ang wifey nitong si Megan Young.
Natanong ni Tito Boy si Glaiza kung handa na ba silang magkaanak ni David, “Ready na. Like before, hesitant ako to say this because meron pa akong ginagawang pelikula or series, trabaho, pero it will come kapag po ayos na lahat.”
“Hindi ko siya pinipilit kasi the more I think about it, the more people are asking me about it, parang ‘Oo, sige na, sige na.’ Pero nananalig pa rin ako at naniniwala pa rin ako na darating siya sa tamang panahon,” sey pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.