Bimby ipinakilala na kay Kris ang special friend: Type na type siya ni Mama!

Kris Aquino at Bimby
SA 18th birthday ni James Aquino Yap or Bimby ay may personal wish siyang ayaw i-share dahil naniniwala siya sa kasabihang kapag nalaman ng iba ay hindi ito matutupad.
But obviously, wish niya ito para sa kanyang Mama Kris Aquino at hindi para sa sarili tulad ng nakagawian na ng mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan.
Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Bimb na ginanap sa bahay ng matalik na kaibigang designer ni Kris na si Michael Leyva na limitado lang ang bisita dahil ang may kaawaran ang namili ng iimbitahin.
Karamihan sa mga bisita ay non-showbiz maliban kay Miles Ocampo na itinuturing na ring anak ni Kris at kasama ng dalaga ang boyfriend na si Elijah Canlas.
At siyempre ang kumpare at isa rin sa confidante ni Kris na si Ogie Diaz at anak na si Erin Diaz plus Mama Loi na dumalaw sa kanila noon sa Los Angeles, California kung saan naninirahan ang mag-iina.
May biruang “ex girlfriend” na ni Bimby si Erin dahil may boyfriend na ito ngayon.
View this post on Instagram
Sa panayam nina Ogie at Erin kay Bimb ay nabanggit nga nitong ayaw niyang i-share ang wish niya, “I can’t say baka it won’t come true eh, I can’t risk it baka it might not come true, kasi very important, Tito Ogie.”
Kaya kahit na anong pilit sa binatang anak ni Kris ay hindi niya ito sinabi, ang sinabi na lang ni Bimby ay kung ano ang bilin ng mama niya pagpatak ng 12 midnight na kaarawan na mismo nito bilang 18 years old.
“Don’t go to clubs. Ha-hahaha!” humalakhak na sabi ng binatilyo.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ogie.
“Ayaw niya, sabi niya, ‘please stay my baby forever!’ E, ako naman it’s not my thing naman na mag-club-club and of course sinabi ko kay mama na kahit 50 years old na ako, I’ll still be your baby,” kuwento ni Bimb sa usapan nilang mag-ina.
At dahil disi-otso na ang bunsong anak ni Kris ay puwede na raw siyang magmaneho.
“Sa States nagda-drive na ako, pero dito (hindi pa) wala pa akong permit (driver’s license),” saad ng binata.
Tumabi naman si Erin kina Bimb at Ogie na ang sabi ng binata ay, “May ex kasi may dyowa na.”
Hirit ni Erin, “Ako lang ba?”
“May dyowa na ba si Bimby?” tanong ni Ogie.
“Wala, wala friends lang, tito Ogie,” sambit nito.
At nakilala na raw ito ni Kris, “They met na, friends lang,” diin ng binata.
Ano ang impression ni Kris bilang lahat ng nagiging kaibigang babae ng anak ay kanyang pinupulsuhan?
“Ay, type na type ni Mama, the very first girl my mom liked,” reaksyon ni Bimb.
Sabi ni Ogie, “Talaga?”
“Yeah, super hindi naman marami (ipinakilala) ano lang, ‘uy mom this girl is pretty.’ ‘Ay naku Bimb, she’s blank!’” kuwento ni Bimb sa reaksyon ni Kris sa ibang mga babaeng ipinakilala na niya.
At kapag negatibo na kay Kris ay hindi na raw itinutuloy ni Bimb ang intensyon niya sa girl.
“Ay hindi (dapat approved ni Kris). Like this girl (huling ipinakilala), sabi ni mama, ‘uy Bimb ha, when you propose to her, I’ll give you lola’s engagement ring (sabay muwestra ng kaliwang daliri),” masayang kuwento ni Bimb.
Sabi naman ni Erin, “Propose agad, eh?”
“Alam mo naman si mama, go, go, go, go! Sabi lang niya enjoy your youth, you’ll never know paggising mo wala na, matanda ka na.
“Nu’ng nag-18 ako tito Ogie, I realized na time flies by talaga kasi parang as I get older, the years gets shorter. Wow, 18 years old na ako. It feels like yesterday lang na I was 10 years old,” pahayag ni Bimb.
Nabanggit pa nitong nasa party niya ang handler niya noong gumawa siya ng pelikulang “My Little Bossings” na 12 years ago na.
Samantala, urung-sulong ang pagpasok sa showbiz ni Bimby na ang dahilan niya ay kailangang alagaan ang mama Kris niya.
At dito nabanggit ni Ogie na maraming humanga kay Bimb sa pag-aalaga at tiyaga nito sa kanyang ina.
“Tiyaga rin ni mama sa akin. Ha-hahahaha! You know naman me! Mom’s worth it to take care of her. It’s really worth it talaga saka it’s not boring at all, alam mo naman si mama nevel a dull moment with mama eh,” saad ng anak ni Kris.
At sobrang nagpapasalamat si Bimb sa mga nagsasabing “sana all” may anak na katulad niya dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa ina. “Thank you po sa inyong lahat,” say ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.