‘Sinagtala’ tagos sa puso ang mensahe: ‘Promise hindi kayo mabubudol!’

Rhian Ramos, Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Matt Lozano at Arci Muñoz
SHOWING na ngayon sa mga sinehan nationwide ang pelikulang “Sinagtala” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Arci Muñoz, Matt Lozano at Rayver Cruz.
Napanood na namin ang pelikula na ipinrodyus ng Sinagtala Productions mula sa direksyon ni Mike Sandejas at agree kami sa mga comments ng iba pang nag-watch nito na sulit na sulit ang pera at effort nila after watching it.
Hindi kayo mabubudol ng “Sinagtala” dahil bukod sa magagaling ang lahat ng cast members ay maganda rin ang tema at kuwento ng pelikula na siguradong tatagos sa puso ng bawat miyembro ng barkada at pamilya.
Idagdag pa ang mga kantang ginamit sa movie na lahat ay nakaka-LSS. In fairness, talagang lumutang ang pagiging singer and performer ng cast na gumaganap ngang miyembro ng bandang Sinagtala, lalo na si Rayver na pak na pak bilang lead vocalist.
Marami nga ang nagsabi na dapat na ring karirin ng boyfriend ni Julie Anne San Jose ang pagiging singer dahil sa ganda ng hagod ng boses nito.
Given na ang galing nina Glaiza, Rhian at Arci bilang mga aktres, kaya hindi na kami nagulat sa kanilang mga breakdown and drama scenes. Sabi nga namin, pang-award ang ensemble acting nilang lahat.
View this post on Instagram
Pero nais naming bigyan ng malakas ng palakpak ang pak na pak na acting sa movie ng Kapuso actor-singer na si Matt Lozano na gumaganap bilang bading na anak ni Benjie Paras sa kuwento.
Halos lahat ng nakapanood ng “Sinagtala” ay iisa ang komento lalo na ng press people, “Revelation si Matt Lozano! Ang galing-galing!”
Nabigyan ng hustisya ng aktor ang kanyang role na hindi maamin-amin sa kanyang ama na isa siyang bading. Super clap nga kami sa confrontation scene nila ni Benjie sa movie dahil naitawid niya ito nang bonggang-bongga.
Pinaiyak at pinatawa rin nina Matt at Arci ang mga manonood sa isang eksena nila kung saan nabbing na ng karakter ng aktor na isa palang pokpok ang kanilang kabanda. Ang galing-galing nila sa crying-laughing scene na yun!
Sabi nga ni Matt sa panayam ng media, “Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala sa reaction ng mga tao. Lalo na sa mga scene na ginawa namin. Siyempre, maririnig mo ang reaction ng mga tao na nanonood. Hanggang ngayon, hindi nagsi-sink-in sa akin na ganun pala ‘yung pelikula.”
Sa galing ng binata na gumanap ng bading ay natanong tuloy siya kung ano talaga ang kanyang sexual preference. Ang nanatawa niyang sagot, “I’m not gay.”
Samantala, sa hiwalay na panayam, inilarawan ni Rhian ang kanilang pelikula, “Makaka-relate lahat ng artists na they found their work du’n sa art nila na nagsimula sa passion na kapag naging negosyo siya nagbabago siya.
“Something that you grew up dreaming about becomes more about the money, fame. Iba na ‘yung iniisip mo kung ano ba ‘yung success.
View this post on Instagram
“I feel connected to my character in a sense na para bang finding yourself again na nahahanap mo ulit ‘yung center mo dun sa passion at pagmamahal mo sa ginagawa mo just realizing how lucky you are to just get to do your craft,” sabi ng Kapuso star.
Para naman kay Glaiza, “Hindi lang ito tungkol doon sa mga pangarap natin pati rin sa purpose. Hindi naman natatapos ‘yung mga pangarap natin. Nu’ng mga bata tayo, gusto lang natin maging artista or astronaut or doktor.
“Nu’ng naging artista ka na, iba na ‘yung pangarap. Nung nag-asawa ka, nag-iba ulit ‘yung pangarap mo. Pero ‘yung pangarap na ‘yun ay kaakibat ng purpose. Kung ang pangarap mo ay pangsarili lang, walang fulfillment,” sey p ng premyadong aktres.
Kaya watch na kayo ng “Sinagtala” sa lahat ng sinehan nationwide! Promise, hindi kayo magsisisi!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.