Arci Muñoz balak magpa-freeze ng ‘itlog’, ayaw pa-pressure sa lovelife
AYAW nang magpa-pressure ng actress-singer at producer na si Arci Muñoz sa usaping lovelife pati na ang pagkakaroon ng baby.
Marami pa rin kasi ang nagtatanong sa kanya kung kailan siya mag-aasawa at magkakaroon ng anak lalo pa’t kaka-celebrate na niya ng kanyang 36th birthday last January 12, 2025.
Inamin ni Arci na ilang taon na rin siyang single pero hindi naman daw siya malungkot sa kanyang personal na buhay. Basta ine-enjoy na lang niya ang lahat ng blessings na dumarating sa kanya.
“Wala, nag-stop na ako mag-worry sa ganyan, sa totoo lang. Never ko inisip na napi-pressure ako. But, all my siblings are married. They all have their families. They all have their kids,” ani Arci sa panayam ng press sa kanya sa mediacon ng latest movie niyang “Sinagtala.”
“As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ako du’n kasi para akong may anak sa mga pamangkin ko. Pero siyempe, gusto ko rin eventually magkaroon ng kids.
“Pina-plan ko magpa-freeze (ng eggs). Kasi kung wala pa ngayon, ano, ipilit ko?” ang sey pa ng dalaga.
View this post on Instagram
Pero looking forward pa rin naman daw siyang magkaroon ng partner at maging mommy, “Yeah, in the future, of course, I wanna be a mom. Pero ngayon, si Lord na lang talaga. Ayoko na magplano, ayoko na ma-pressure.
“Kumakapit ako sa faith ko kay Lord. Kung ano man ang plano Niya, Lord, just direct me there,” aniya pa.
Sa tanong kung okay lang ba sa kanya na magka-baby kahit walang dyowa, “Hay, huwag naman sana, Lord! Gusto ko naman ng partner sa buhay. Malungkot yun.”
Samantala, kung magkakadyowa man daw siya, gusto niya sana ay katulad ng kanyang ama.
“Kung paano yung dad ko sa mom ko, paano yung relationship ng parents ko. Mahirap mahakanap ng kagaya ng papa. He’s the best, everything, taking care of the whole family, raising us kids.
“Nakita ko effort niya in raising all of us, putting us in good schools. Everything that I am, yung values ko, it’s all because of my parents, especially my dad ” paliwanag ng aktres.
Open din daw siya sa pagkakaroon ng dyowang foreigner, “AFAM? Bakit hindi? Ha-hahahaha!”
Pero aniya, “Hindi ko nire-rely yung happiness ko sa partner ko. Kaya nga mahilig ako sa anime, sa pagta-travel. Madalas ako mag-travel mag-isa. Kaya ko mag-isa.
“O, kasama ko mama ko. Gusto ko ibuhos oras ko para sa mama ko kasi single na rin si Mama. So, widow si Mama. Feeling ko ito purpose ni God, spend time with my mom who’s also my best friend,” chika pa ni Arci.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.