Arci Muñoz nasobrahan nga ba, ‘di na makitaan ng emosyon ang mukha?
MARAMI sa mga netizens ang nakapansin na tila may kakaiba sa facial expressions ng aktres na si Arci Muñoz nang mag-guest ito sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
Sa katunayan, isa ito sa mga naging topic sa latest episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.
“Napanood ko sa interview ni Boy Abunda. Nabasa ko ‘yung mga comments ng netizens na parang wala na raw facial lines si Arci. Parang hindi na raw gumagalaw ang mukha niya,” saad ni Ate Mrena.
Sagot naman ni Ogie, “Ewan ko ba kung bakit nagiging big deal ang pagpapa-enhance ng mukha ng mga artista. Hindi na po siya big deal ngayon, small deal na lang ‘yan.”
Baka Bet Mo: Arci Muñoz nagsisi nga ba sa kanyang pagpaparetoke?
View this post on Instagram
Ayon kay Ogie, bilang artista ay kailangang alagaan mo ang mukha o itsura mo dahil na rin sa industriyang kinabibilangan.
“E si Arci naman, inamin naman niya [na nagparetoke siya]… Hindi na dapat ginagawang isyu yan,” sey ng talent manager.
Pero may mga netizens pa rin kasi na nagbi-bring up na ibang iba na ang itsura ng aktres mula noon pero sa kabila nito ay nananatili naman siyang maganda.
Napansin lang ng mga ito na parang kulang na sa emosyon ang mukha ni Arci na iniuugnay sa pagpapagawa umano niya.
“Kung mapapansin yan ng mga netizens, pwedeng mapansin ‘yung ganda pero ‘yung mga taga-industriya will know kung ‘Ops, parang hindi pa rin nalulukot ang mukha,'” lahad ni Ogie.
Sa huli ay karapatan at kalayaan pa rin naman ni Arci kung ano ang nais niya at kung saan siya mas magiging confident at komportable.
Inamin naman ng dalaga na nakaramdam siya ng pagsisisi sa pagpaparetoke pero may purpose ang Panginoon rito kaya naman pinili na rin niyang panindigan ang mga desisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.