Arci inalala ex-BF na anak ng Brunei Prince: He makes me feel like a queen!

HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapamilya actress-singer na si Arci Muñoz ang nakarelasyon niyang anak ng prinsipe ng Brunei.
Itinuturing ng dalaga na first ultimate love niya ang ex-boyfriend na inilarawan niya bilang isang simple at down to earth na tao kahit pa super rich at powerful ang kanilang pamilya.
Nakapanayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, March 21, si Arci kung saan binalikan nga niya ang naging love story nila ng naturang anak ng prinsipe.
Best time of my life,” ang description ni Arci sa kanilang love story na hindi nabigyan ng chance na magkaroon ng “happy ever after” na ending.
“He is such a great guy. It’s simple yet luxurious at the same time because this person is so simple. Yet with his estado niya sa life, wala, hindi niya…he doesn’t really use that. He’s so down to earth,” pahayag pa ni Arci.
“He’s a nice guy,” dagdag pa niyang papuri sa dating karelasyon.
View this post on Instagram
In fairness, may mga bodyguard din daw sila kapag nagde-date pero naiintindihan naman daw niya iyon dahil kailangan ito para masiguro ang seguridad at kaligtasan nila.
“But he’s so humble. Like sometimes he runs away from the bantay kasi he wants his privacy also and freedom. And he’s very cool,” saad pa ng aktres.
Matagal na silang walang communication ng anak ng prinsipe ng Brunei kaya hindi knows ni Arci kung single pa ba ito o may sarili nang pamilya.
Sa tanong ni Tito Boy kung ano ang natutunan niya sa pagkakaroon ng dyowang anak ng prinsipe, “You just can’t love somebody that much. Kasi parang we had this really deep connection, and he set the standards so high, natutunan ko tuloy ang hirap na mag-boyfriend ngayon.
“But I’m so happy for him. If I see him, which has never happened yet, I wanna tell him how happy I am for him ‘cause, you know, our relationship, kahit na we didn’t end up together, you know, I admit na talagang it’s solid,” sey ni Arci na isa sa mga lead stars ng pelikulang “Sinagtala”.
Mapapanood na ang “Sinagtala” sa mga sinehan simula sa April 2 kung saan makakasama niya sina Glaiza De Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.