Yassi Pressman napagkamalang si Maris Racal, 'di agad nakilala?

Yassi Pressman napagkamalang si Maris Racal, ‘di na makilala ang itsura?

Therese Arceo - March 25, 2025 - 06:52 PM

Yassi Pressman napagkamalang si Maris Racal, 'di na makilala ang itsura?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang isa sa mga TikTok videos ng aktres na si Yassi Pressman habang nagsasayaw.

Marami kasi sa mga netizen ang hindi agad nakilala ang aktres at napagkamalan pa itong artista.

“new TVC dropping tonight ~ guess what?” saad ni Yassi sa caption ng kanyang TikTok video noong Biyernes, March 21.

Makikita sa video ang husay niya sa pagsayaw sa musikang “Gas Pedal” ni Sage The Gemini.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman dinogshow ng bashers, kamukha na raw si Steven Tyler

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ng mga netizens sa comment section, parang nagbago na raw ang itsura ng aktres at hindi na nila ito nakilala bilang si Yassi.

May mga komento pa nga kung saan inakala nilang si Maris Racal o di kaya’y si Bianca de Vera ang nagsasayaw.

“Di ko nakilala si yassi ”

“Ako din kala ko new show ni maris haha”

“Akala ko ako lang naghahanap kay Yassi. Marami pala tayo.”

May netizen naman na nagsabing naka-filter kasi ang aktres kaya naman hindi ito nakilala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Te, may filter or wala… makikila mo agad. Pero, sa video na ‘to hinanap ko pa kung nasan si Yassi jan,” kontra ng isang netizen.

Sa ngayon ay wala na rin sa kanyang TikTok account ang naturang video.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang pahayag o reaksyon si Yassi hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending