Yassi Pressman nagpapayat para sa 'Isolated' ni Benedict Mique

Yassi back to work na, nagpapayat para sa ‘Isolated’ ni Benedict Mique

Ervin Santiago - February 10, 2025 - 07:15 AM

Yassi back to work na, nagpapayat para sa 'Isolated' ni Benedict Mique

Yassi Pressman, Joel Torre at Benedict Mique

NAGPAPAYAT nang bonggang-bongga ang actress-dancer at host na si Yassi Pressman para sa pagbabalik niya sa paggawa ng pelikula.

Yes, back to work na nga uli ang dalaga at magiging busy siya ngayong February hanggang sa mga susunod na buwan dahil magsisimula na ang shooting ng horror movie niyang “Isolated” mula sa Viva Films.

Bumisita kami sa storycon at look test ng cast members ng “Isolated” nitong nagdaang Friday, February 7, sa isang subdivision sa Taguig.

Bukod kay Yassi, naroon din sina Joel Torre, Wilbert Ross, Gwen Garci, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Denise Esteban at ang direktor ng pelikula na si Benedict Mique, na siya ring nasa likod ng Netflix hit na “Lolo And The Kid.”

Kung hindi kami nagkakamali, ang last movie pa ni Yassi ay ang “Video City: Be Kind, Please Rewind” opposite Ruru Madrid na ipinalabas noong September, 2023.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez ‘graduate’ na sa pakikipaglaban kontra-COVID; nagbigay ng 5 ‘isolation tips’

Excited si Yassi sa “Isolated” dahil kakaibang horror movie naman daw ito na siguradong magugustuhan ng mga mahihilig sa katatakutang pelikula, idagdag pa ang unang collaboration nila ni Direk Benedict.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Samantala, looking foraward na si Direk Benedict sa pagsisimula ng shooting nila para sa “Isolated” na siya rin ang sumulat at nag-conceptualize.

“Exciting yung cast kasi si Yassi Pressman. At first, si Yassi yung unang sinabi sa akin. Sabi ko, ‘Wow, okay!’ kasi kapag nakikita ko si Yassi, parang ang appealing niya.

“Coming from Ang Probinsyano and coming from Black Rider, saka yung sa social media niya, parang exciting niyang paglaruan as an actress,” pahayag ni Direk Benedict nang makachikahan namin bago magsimula ang kanilang storycon.

“Nakakatuwa naman nu’ng sinulat namin yung concept, ang ganda ng reaction ng Viva at ni Yassi. Natuwa sila sa script. Actually, natuwa rin kami nu’ng ginagawa namin. We didn’t expect na it’s gonna be that exciting and thrilling.

“Nauna pa nga yung paghahanap namin ng location kesa sa script. It’s a resort sa Antipolo na nakakatakot. Wala pa kaming script but we need a location kasi Isolated, di ba?” pagbabahagi pa ng direktor.

Paglalarawan pa niya sa bago niyang pelikula sa Viva, “Isolated is the story of Rose (Yassi) na like the usual nurse sa Pilipinas, naghahanap ng mas malaking income sa buhay. Alam niyo naman dito, ang baba ng income ng nurses.

“Mababa ang income niya, wala siyang pera na pang-asikaso ng papeles to go abroad, so nakahanap siya sa online ng ad na naghahanap ng parang caregiver or nurse para sa isang matanda (Joel).

“Nu’ng pinuntahan niya, nagulat siya kasi ang layo pala ng lugar. Pagdating niya sa town, dinala pa siya sa mas isolated na lugar.

“It’s an old resort na ang nakatira lang, matanda na parang Fil-Am at ex-US navy. Medyo demented na, mahina na, so inumpisahan niya na alagaan.

“That’s when she started to feel na may kakaiba sa resort na hindi alam ng matanda,” kuwento pa ni Direk Bene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

After ng tagumpay ng “Lolo And The Kid”, inaasahang maghi-hit din ang “Isolated” kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan lalo pa’t halos lahat ng mga horror movies ngayon ay kumikita at pinipilahan ng madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending