Yassi nai-starstruck pa rin kay Joel Torre: Sobrang kinakabahan

Yassi Pressman nai-starstruck pa rin kay Joel Torre: Sobra akong kinakabahan!

Ervin Santiago - April 10, 2025 - 07:10 AM

Yassi Pressman nai-starstruck pa rin kay Joel Torre: Sobra akong kinakabahan!

Yassi Pressman, Joel Torre at Benedict Mique

PINAGHANDAAN at ready nang magbalik sa big screen si Yassi Pressman dahil ipalalabas na ngayong April ang kauna-unahan niyang horror-thriller movie.

Ito ang “Isolated” mula sa Gawad Urian nominated director na si Benedict Mique na pagbibidahan din ng multi-awarded actor na si Joel Torre, with Candy Pangilinan, Wilbert Ross, Gwen Garci, Yayo Aguila and Denise Esteban.

Kuwento ito ng isang babaeng nagngangalang Rose (Yassi) na nakahanap ng trabahong may malaking kita – ito ay ang maging private nurse ni Peter (Joel), isang lalaking nalumpo at may dementia.

Matagal nang walang kasama at nag-iisa sa buhay, may kung anong misteryo sa pagkatao ni Peter. At kahit na madalas ay tahimik lang itong nakaupo sa kanyang wheelchair, may kakaibang nararamdaman si Rose sa bago niyang amo.

Sa pananatili ni Rose sa bahay ni Peter, araw-araw siyang makakaramdam ng matinding pagkabalisa at halos hindi na makatulog gabi-gabi dahil pakiramdam niya ay palaging may nakatingin sa kanya.

Makararanas din siya ng mga nakakakilabot na pangyayari at masisindak sa mga nanggagambala sa kanya.

Ano nga kayang kuwento at misteryo ang bumabalot sa bahay ni Peter? Tama bang pagdudahan ni Rose ang tunay na pagkatao ni Peter? Sila nga lang ba ang nasa bahay o may kasama silang hindi nila nakikita?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Samahan si Rose na hanapin ang mga sagot at alamin ang katotohanan tungkol kay Peter at sa bahay nitong nababalot ng misteryo. Showing na ang “Isolated” in cinemas nationwide ngayong April 30, 2025, mula sa Viva Films.

Sa naganap na presscon ng movie recently, sinabi ni Joel na na-enjoy niya ang paggawa ng horror-suspense movie dahil sa cast, lalo na kay Yassi

“Si Yassi, nakita ko kung paano na siya nag-mature. I know sa Probinsyano, she was a dedicated actress pero lalo dito. Nakita ko how hard working she is, hindi siya kuntento na lang na ‘Okay na ’yun,’ gusto niya kunin ’yung eksena, and she works so hard for it,” sabi ng movie icon.

Matatandaang unang nagkasama sina Yassi at Joel sa Kapamilya primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin kung saan sila gumanap na mag-ama.

“It’s worth watching her reaction to the genre of horror film,” ani Joel.

Sey naman ni Yassi sa muling pagsasama nila ng aktor, this time, sa isang movie, “I love working with you always, Tito Joel. Talagang blessing po talaga from day 1 of working with someone like Tito Joel who’s so talented, being in the industry for so long, respected, pero mabait.”

Inamin ni Yassi na, “Sobra pa rin po akong kinakabahan. Nai-starstruck pa rin po ako. Tsaka grabe po ang talaga ang script na ’to, paikot-ikot, nakakagulat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ako, talagang I tried to take him away sa pagiging tatay ko. Pero ’yung Joel Torre na superstar, nandiyan pa rin,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending