Yassi, stylist minulto sa shooting ng horror film na 'Isolated'

Yassi Pressman, stylist minulto sa shooting ng horror film na ‘Isolated’

Ervin Santiago - April 09, 2025 - 01:00 PM

Yassi Pressman, stylist minulto sa shooting ng horror film na 'Isolated'

Yassi Pressman at Joel Torre

SA kauna-unahang pagkakataon ay bibida si Yassi Pressman sa isang horror movie, ang “Isolated” mula sa Viva Films at Lonewolf Films, sa direksyon ni Benedict Mique.

Inamin ng dalaga na matatakutin siya sa totoong buhay, sa katunayan hindi siya masyadong nanonood ng mga horror movies  dahil baka raw bangungutin siya.

Nang i-offer sa kanya “Isolated” ay nagdalawang-isip siyang tanggapin dahil nga horror pero nang mabasa na niya ang script, at nalamang si Joel Torre ang makakasama niya sa pelikula, nag-yes na raw siya.

Kuwento ni Yassi sa naganap na presscon ng movie, pumayag daw siyang mag-lock-in shoot matapos siyang mag-uwian ng ilang araw na siya pa ang nagda-drive. At dito nga siya naka-experience ng katatakutang eksena.

Kuwento ng aktres, nag-share sila ng kanyang stylist na si Maja sa isang room. Habang nagsa-shower daw ang kasama ay lumabas siya sa sala para kunin ang password ng wifi.

Maya-maya ay bigla na lang daw lumabas si Maja at nagsabing huwag daw niyang piliting buksan ang pinto ng CR dahil hindi pa siya tapos maligo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Shocked at talagang inatake ng major-major takot si Yassi dahil hindi naman niya binuksan ang pinto ng banyo. Kasunod nito, hindi na raw siya nag-lock-in shoor.

Natanong si Yassi kung game pa siyang gumawa uli ng horror movie after ng “Isolated”, “Sa totoo lang po, sabi ko, first and last. Gagawin ko lang talaga ito to challenge myself pero hindi ko na talaga uulitin.

“Nagsa-shower po ako ng isa lang ‘yung  ‘yung mata (nakadilat ang isa). Ayaw ko po nu’ng paghugas mo ng mukha, pagtingin mo sa salamin may nasa likod mo. Umuuwi ako nang ganyan. So sabi ko, baka hindi ko na siya ulitin,” lahad ng dalaga.

Pero pagkambiyo ni Yassi, “Sa totoo lang po, kahit nahirapan po ako, nagkakaroon po ako ng dreams after, in a way tumapang din ako bilang matatakutin na baby girl.

“Kaya nag-enjoy po talaga ako, so baka ulitin ko pa. Sobra po talaga akong nag-enjoy. It’s such a different challenge sa romcom. Feeling ko rin, ako bilang actress, this character is very, very different from everything I’ve ever done before,” esplika pa niya.

After niyang gawin ang “Isolated” talaga raw “nagpagpag” siya, “Nagpahinga po talaga, nag-detox po talaga. Nahilig po talaga ako dun sa parang center yourself, relax, as in retreat na parang come back to who I am.

“Tanggal na po ‘yung character, tanggal na po ‘yung lugar sa isip ko. Uwi po muna sa CamSur. At saka ‘yung elements na nakikita po rito sa pelikula, maraming klase na nai-stuck po isip ko, so lahat ‘yun kailangan po munang i-let go,” sey pa ni Yassi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin nina Yassi at Joel sa movie sina Candy Pangilinan, Wilbert Ross, Yayo Aguila, Gwen Garci, at Denise Esteban. Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa April 30.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending