Eugene napamura dahil kay Joel Torre: Siya kasi talaga ang ultimate crush ko!
PERFECT ang lahat kay Eugene Domingo sa muli niyang pagbabalik sa big screen via her filmfest entry “Ang Babae Sa Septic Tank 2” ng Quantum Films. Imagine, nagpahinga sa pag-arte sa pelikula si Uge nang two years? Ang huling pelikula pa na ginawa niya ay ang “Barber’s Tale.”
As we all know, naging phenomenal hit ang unang yugto ng comedy film na “Ang Babae Sa Septic Tank” sa Cinemalaya Film Festival. Unexpected ang pagtanggap ng manonood lalo na’t satire ito ng paggawa ng indie films.
Nagpahinga lang naman sa movies si Uge pero nanatili siya sa GMA sa paggawa ng TV show, kasama na ang Dear Uge tuwing Sunday.
Sa pagbabalik sa movies na napili pang festival entry, wala siyang expectations na matutulad ito sa part 2 ng “Septic Tank.”
“Ang gusto ko lang, mag-enjoy sila sa peikula at kiligin kasi masaya eh, lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila. Laugh trip siya. ‘Yung Septic Tank 1 kasi is about poverty. Dito naman crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami in love,” pahayag ni Eugene.
Sina Jericho Rosales at Joel Torre ang love interest niya sa pelikula.
“Very funny and cooperative si Jericho. He is serious in a funny way. Sineryoso niya ito. Si Jericho very light at saka kuwela. Magaan at mapagbiro siya sa lahat ng tao. ‘Yung comedy sa kanya natural.
“Si Joel? He’s a fucking good actor. He is my indie hero. Parang namulat ako sa paggawa ng pelikula.
Tribute ko ito kay Joel kasi crush ko siya. Oo, siya ang long time crush ko since high school days ko pa! Habang nagkakaedad, lalong gumuguwapo! Alam niyang may crush ako sa kanya,” pahayag ni Uge sa dalawang leading men.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.