Kris kinulam daw, ginagawang kandila na unti-unting nalulusaw?

Kris kinulam daw, ginagawang kandila na unti-unting nalulusaw?

Ervin Santiago - April 07, 2025 - 12:40 AM

Kris kinulam daw, ginagawang kandila na unti-unting nalulusaw?

Kris Aquino at Bimby

NAKAKALOKA talaga ang mga comments ng netizens tungkol sa latest social media post ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Talagang pinanindigan na ng ilan ang paniniwala nilang kinulam o binarang premyadong ang TV host-actress kaya raw hindi gumagaling ang mga karamdaman nito.

Marami ang nagsasabi kay Kris na subukan na niyang magpatingin sa albularyo o magpagamot sa exorcist dahil baka raw mga masasama at itim na elemento na ang lumalapastangan sa katawan at kalusugan niya.

Sa latest IG post ni Kris, makikita nga ang pagbagsak ng kanyang katawan at kitang-kitang hirap na hirap na siya sa pakikipaglaban sa iniinda niyang mga sakit.

Marami kaming nabasang komento na nababahala na sila sa health condition ni Kris kasabay ng pagkalat ng video ng isang nagtatawas na kinulam daw ang aktres ng isang babaeng kulot ang buhok.

Sabi ng isang IG user, “Bakit kaya hnd nyo dalhin si Kris sa isang faith healer baka sakali lang gumaling,”

Suggestion naman ng isa, “Dapat sa exorcist priest tulad ni Fr. Darwin Gitgano dami na xang napagaling na may sakit na malulubha.”

Meron namang nagkomento ng, “May kulam kasi ‘yan, ginagawa siyang kandila na unti-unting nalulusaw.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Magpatawag sana sya Ng albularyo at mag patingim Wala nman mawawala pag ginawa nya. Kasi sa tingin q talaga pinapahina lng talaga sya. me something talaga na ginawa sa kanya. Malay natin Meron taong naiinggit or naging kaaway nya,” comment ng isa pang netizen.

Bumuhos din naman ang mga mensahe mula sa kanyang supporters na nagsasabing ipagpapatuloy nila ang pagdarasal para sa paggaling ni Kris. Ang ilan pa sa mga ito ay nag-aalay ng prayers kay Saint Padre Pio, ang tinaguriang healing saint.

Kung matatandaan naman, sinabi ng tarot card reader na si Jovi Vargas na hindi raw kulam ang dahilan ng pagkakasakit ni Kris.

Sa isang vlog ni Aiko Melendez, natanong niya si Jovi tungkol nga sa chikang baka raw kinulam si Kris. Sabi ng taror card reader, walang konek sa anumang “supernatural” ang kanyang karamdaman.

“Sakit naman talaga, hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na ‘yung katawan niya,” ani Jovi.

“Lahat ng nagmamahal sa kaibigan naming si Kris eh magdasal. Malaking tulong ang dasal talaga saka kailangan niya talagang huwag magpa-stress, ‘yan ang pinakaimportante,” aniya pa.

Sa interview naman ni Ogie Diaz sa visionary na si Rudy Baldwin, natanong ang tungkol sa kondisyon ni Kris Aquino na noo’y nasa Amerika pa para magpagamot.

“Kay Kris Aquino dine-declare nila kasing mawawala siya. Nakikita nila ‘yung tao na lumalaban kahit hirap na hirap na siya lumalaban siya para mabuhay siya, eh.  Kahit nagbilin na siya, ang ma-advise ko ay nothing bad kung you just look in the one side of the world

“Ano ibig sabihin? I know nagpagamot ka. I know na nagpaano ka sa medisina, why you just look in the one side? Pag nagkasakit tayo, ang epekto ng sakit natin minsan hindi ‘yung doktor ang makakatulong, nothing bad naman kung magpatingin ka lang,” pahayag ni Rudy.

“Faith healer?” ang tanong naman ni Ogie kung ito ang makakatulong kay Kris.

“Not faith healer basta ano lang, how I wish nakita ko siya ng malapit, so, I can tell na o ganito lang ‘yan,” sey ni Rudy.

“Kasi kung wini-wish siya ng iba na mamatay, hindi ganu’n ang linya ng kay Kris Aquino, tapos kung (anu-ano sinasabi tungkol sa sakit) history-history na ‘yan. My God! hindi kayo maka-move on? Hindi n’yo ba nakita na ‘yung tao may (mga) anak ‘yan. Gagaling ‘yan!”

“Try lang niya (magkita kami) kahit ‘wag niya akong bayaran kahit sampung piso lang. Kailangan kasi merong galing sa kanya para ‘yung energy ko lalakas ako ulit. ‘Yung sa kanya kasi matrabaho yan,” sey ni Rudy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang gagawin daw ni Rudy kay Kris para maniwala, “Papaharapin ko siya sa salamin. Mayroon lang siyang ihihilamos na tubig, tumingin siya sa salamin at makikita niya kung sino ang gumawa sa kanya (nagpapahirap).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending