Honeylet Avanceña binarag ni Claire Castro sa isyu ng kidnapping sa Pinas

Claire Castro at Honeylet Avanceña
BINARAG ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.
Ito’y may kaugnayan sa naging pahayag ni Honeylet sa sunud-sunod na insidente ng kidnapping sa bansa, kung saan isang Filipino-Chinese pa ang pinatay ng mga kidnapper pati ang driver nito.
Sa isang panayam sa common-law partner ni Duterte na kasalukuyan pa ring nakakulong sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, pang-asar nitong binati si Pangulong Bongbong Marcos.
“Congratulations ha, sa Pilipinas, may pinatay at kinidnap na naman, ganiyan ang gusto niyo?
“Sige, congratulations. Dalawa sa cities sa Pilipinas ang dangerous place, congratulations again. Congratulations BBM (Bongbong Marcos),” aniya pa.
Kasunod nito, sa kanyang press briefing nitong Biyernes, April 11, 2025, niresbakan ni Castro si Honeylet at pinagsabihan sa pang-ookray nito kay PBBM.
“Hindi po ginagawa na katatawanan ang isang ganitong klaseng sitwasyon. Kaya kay Ms. Honeylet Avancena, huwag n’yo pong gawin na isyu dahil may buhay po ditong nakasalalay.
“May mga buhay na nawala. Huwag n’yong gawing isyu ito at gawin n’yong katatawanan ang gobyerno.
“Hindi natin malaman kung bakit naging ganoon ang attitude ni Ms. Honeylet,” ang pahayag ni Castro.
Pangako pa nito sa gitna ng mga nagaganap na kidnapping sa bansa, “Bibigyan natin ng hustisya ang dapat bigyan ng hustisya at hindi po natin hahayaan na mangyaring muli ang naganap sa mga naging biktima ng EJK.”
Nabanggit din ni Castro ang mga kaso ng extra judicial killing (EJK) sa panahon ng Duterte administration na aniya’y never nang mauulit sa panahon ni Pangulong Bongbong.
“Kaya muli ipinapanawagan po natin kay Ms. Honeylet Avancena, Huwag na po sanang muling mamutawi sa inyong bibig ang mga ganitong klase ng pananalita.
“Dahil hindi rin po natin gugustuhing i-congratulate ang dating Pangulong Duterte sa mga nagawa pong EJK, dahil buhay po ang pinag-uusapan dito,” mariing sabi ni Castro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.