Castro nagbabala sa nagde-demand ng hair follicle test kay PBBM

Castro nagbabala sa mga nagde-demand ng hair follicle test kay PBBM

Therese Arceo - April 11, 2025 - 05:34 PM

Castro nagbabala sa mga nagde-demand ng hair follicle test kay PBBM

NAGBABALA si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa mga nagde-demand na magpa-hair follicle test si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay may kaugnay sa akusasyong gumagamit umano ang pangulo ng ilegal na droga.

Sa naganap na press conference noong Huwebes, April 10, nausisa si Castro tungkol sa hamong magpa-test ang pangulo kaugnay ng pekeng “polvoron video” na nag-viral kamakailan.

Baka Bet Mo: Harry Roque hinamong magpa-hair follicle test si PBBM

“Tanong po natin: Ano po ba ang basehan para sa paghingi at i-demand sa Pangulo ang isang hair follicle test? Ito po ba’y may pagbibintang na siya ay ‘diumanong gumagamit ng ilegal na droga?” saad ni Castro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kung may pagbibintang, liliwanagin po natin, kung may pagbibintang sa Pangulo, yung nagbibintang ang dapat na magpatunay kung may ginagamit man o wala,” dagdag pa ni Castro.

Dapat rin daw na kung sino ang nag-aakusa sa pangulo ay ang dapat maglabas ng pruweba at hindi ang pinagbibintangan.

Sey pa ni Castro, “Hindi po pwedeng gumawa ng kuwento, walang basehan, isang guni-guni para masira ang Pangulo at walang basehan. Kahit saan po na kaso, kung sino yung nagbibintang, siya ang magbigay ng pruweba.

“Hindi pwedeng sabihin na, ‘Ah, ito, gumagamit ka, patunayan mong hindi.’ Hindi po yun ang tamang logic. Kayo po na nagbibintang, kayong humihingi at nagde-demand sa Pangulo, kayo muna ang magpatunay na mayroon siyang ginagawang mali.”

Ani Castro, Kung walang mailabas na patunay ay walang karapatan ang kung sinuman na mag-demand sa hair follicle test.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iniiwan na raw ni President Bongbong sa mga law enforcement agencies ang pag-iimbestiga sa mga taong sangkot sa viral “polvoron video” na kumalat na rin noong July 2024.

Nauna na rin namang pinabulaanan ng Department of National Defense na walang katotohanan ang video at isa raw itong “maliciously crude attempt to destabilize the administration.”

Sinabi naman ng vlogger na si Pebbles Cunanan na si dating presidential spokesperson Harry Roque ang isa sa may pakana ng video ngunit idinenay ito ng huli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending