Dimples Romana proud mom sa pagsakay sa eroplanong pinalipad ng anak

Dimples Romana at Callie Ahmee kasama ang familya
ABOT-LANGIT ang kaligayahan ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa kanyang first-ever flying experience kasama ang malapit nang maging pilotong anak na si Callie Ahmee.
Proud na proud siyempre ang celebrity mom na nakasakay siya sa kauna-unahang pagkakataon sa isang eroplano na si Callie ang nagpapalipad.
Nag-post ang aktres ng short video sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood ang ilang eksena sa pagiging pilot student ni Callie.
“The beginning of an extra extra extra special Palm Sunday for our family today. That’s ate Callie strapping kuya @alonzoasks and kuya Eiven.
“First batch kami for the flight, and then myluv @papaboyetonline, Ate @vilma_omid and Elio for the second flight,” ang bahagi ng caption ni Dimples sa kanyang IG post.
Sa naturang video, maririnig si Dimples na nagsasalita bago paliparin ng anak ang maliit na eroplano.
“It’s our first time flying with ate Callie today, that’s her plane. We’re gonna go up in the air. So I’m gonna walk to my seat, as a proud mama. Let’s go!
View this post on Instagram
“She’s graduating in two days. We’re so proud of her, I’m so proud of you ate,” ang sey pa ng award-winning actresss.
Samantala, nag-share rin ang asawa ni Dimples na si Boyet Ahmee ng isang short video mula sa vlog ng aktres sa kanyang Instagram page
Sabi ni Boyet sa caption, “The stage-iest mother of all.”
Samantala, sa isang hiwalay na IG post ni Dimples, makikita naman ang pagdating ng kanilang pamilya sa Australia, para sa graduation ni Callie.
“First day of inarguably the most important and fulfilling week of our lives. Our Ate/ Unica @callieahmee is about to graduate from college this week,” mensahe ni Dimples.
Matatanggap na sa wakas ni Callie ang pinakaaasam na college diploma sa pagtatapos niya ng Bachelor of Arts in Aviation Management sa Southern Cross University sa Australia.
Noong 2023, nakapasa si Callie sa licensure examination for commercial pilots. Nakapasa rin siya sa examination for private pilots noong 2022.
Nagbigay din ng mensahe si Dimples sa anak matapos ang pinagdaanang paghihirap at sakripisyo nito sa pag-aaral at sa first solo flight nito bilang aspiring pilot.
“To say I’m a proud momma is a total understatement for today’s family milestone as our dear student pilot Christiana Amanda Lauren Romana-Ahmee just flew the plane ON HER OWN for the first time today,” post ni Dimples sa kanyang Instagram.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.