Iza Calzado, Dimples Romana gagawin lahat para sa mga anak

Iza Calzado, Dimples Romana palaban, gagawin lahat para sa mga anak

Reggee Bonoan - February 25, 2025 - 10:30 AM

Iza Calzado, Dimples Romana palaban, gagawin lahat para sa mga anak

Iza Calzado at Dimples Romana

BLOODY red ang suot ng dalawang bidang aktres sa pelikulang “The Caretakers” na sina Iza Calzado at Dimples Romana sa premiere night at mediacon ng pelikula sa SM The Block Cinema 3 kahapon, February 24.

Inisip namin na baka sinadyang magpula ang dalawa para may “panlaban” sila habang nanonood ng kanilang horror movie.

May kasabihan kasi na para hindi ka lapitan ng mga hindi nakikitang elemento ay kailangang magsuot ng pula o kaya ay may pula ka sa katawan bukod sa diamante.

Pero iba ang dahilan nina Iza at Dimples, kaya sila nakapula ay dahil naniniwala sila na suwerte ang red kapag Lunes dahil maraming blessings daw na darating sa mga susunod na araw.

Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

Going back sa “The Caretakers” ay interesting ang kuwento ng pelikula na may kinalaman sa mga taga-probinsya na matagal nang hindi nabibisita ang kanilang bahay o ancentral house dahil abala sila sa kanilang trabaho sa Manila o sa ibang bansa.

Tungkol ito sa dalawang ina na gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)


Paglalarawan ni Dimples sa karakrer niya, “May mga bagay na hindi mo akalain na magagawa mo, ngunit nagpapatuloy ka dahil sa pagmamahal mo sa iyong mga anak.

“Ang karakter ko sa pelikula ay may tatlong anak, na nakaka-relate ako dahil mayroon din akong tatlo. Bilang isang ina, natututo kang balansehin ang iba’t ibang personalidad at ugali — ang isa ay maaaring walang pigil sa pagsasalita, ang isa ay parang bata. This role made me reflect on if there’s really a right or wrong way to love as a mother,” aniya.

Ang karakter ni Iza ay may dalawang anak at nahiwalay sa asawa, “Gumaganap ako bilang isang ina na sinusubukang i-secure ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Siya ay may suwail na tinedyer at may sakit na anak, kaya palagi niyang inaayos at inaalagaan sila.

“Kasabay nito, nahaharap siya sa kanyang sariling mga pakikibaka, na sinusubukan niyang itago mula sa kanyang mga anak. Ang kuwento ay sa kanyang pagbabalik sa isang bahay na pag-aari ng pamilya ng kanyang asawa  pero may pumipigil para maangkin niya ito,” kuwento pa ni Iza.

Hanggang dito na lang ang maibibigay naming detalye ng kuwento ng “The Caretakers” dahil mas magandang panoorin ito sa malaking telon kasama ang mga kaibigan o mahal sa buhay para hindi kayo matakot.

Pinasalamatan nina Dimples at Iza ang mga dumalo sa kanilang premiere night dahil alam niyang abala ang entertainment media sa kanilang deadlines at pagdalo sa iba pang kasabay na events.

“Salamat po sa pagdalo at sana po tulungan ninyo kami ni Iza kasama po namin ang Rein Entertainment family and Regals Films family na ipakalat po na showing na this February 26,” sabi ni Dimples.

Mula naman kay Iza, “Salamat po sa inyong suporta at sab inga naming sa promo naming na we really need to support Filipino films.

“Filipinos need to watch filipino films to keep our industry alive, to keep our culture alive, and umaasa po kami, nanawagan at kumakatok sa inyong mga puso at wallet n asana manood kayo ng aming pelikula (The Caretakers).

“Sana po ay anyayahan ninyo ang inyong mga kaibigan, mga pamilya na mapanood itong aming pelikula na may mahalagang mensahe, horror po ito pero malalim po ang mensahe kaya panoorin po ito sa February 26,” dagdag pa ni Dimples.

Ang magandang balita ay R-13 ang rating na ibinigay ng MTRCB sa “The Caretakers” kaya’t mapapanood ito ng mga batang edad 13 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Iza at Dimples ay kasama rin sa pelikula sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erin Espiritu, Inka Magnaye, Erika Clemente at Jake Taylor  mula sa direksyon ni Shugo Praico handog ng Regal Entertainment at Rein Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending