Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child! | Bandera

Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

Therese Arceo |March 31,2023
facebook
share this

Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

Therese Arceo - March 31, 2023 - 03:50 PM

Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

IBINANDERA ng aktres na si Iza Calzado ang kanyang mga karanasan bilang isang ganap na ina.

Sa kanyang Instagram post ay ibinandera niya ang larawan habang karga karga ang kanilang cute baby girl na si Deia Amihan.

Pag-amin ni Iza, ang larawang ito ay kuha ilang araw matapos siyang manganak at kagagaling lang niya mula sa pag-iyak dahil sa halu-halong emosyong nararamdaman niya bilang ina.

“This photo was taken a few days after giving birth, right after I cried so hard from a few “failures” I felt I had as a new mother mixed with the deep love I was feeling for my child, the kind I have never felt for anyone before.

It’s quite a punch, the first few days, weeks post birth. Hindi siya madali. I am still recovering from it all but every day gets better and better,” pagbabahagi ni Iza.

Baka Bet Mo: Iza emosyonal nang mabanggit ni VP Leni ang yumaong mga magulang: Lord kayo na po ang bahala

Aniya, nasa ika-siyam na linggo na siya ng kanyang post-partum at para sa kanya, ito na ang pinaka “challenging yet fulfilling journey” na naranasan niya at alam niyang ito pa lang ang umpisa.

Sey ni Iza, “At this point, I find myself navigating this transition in the best way I know how — with faith, compassion, gratitude and love knowing I am divinely guided and supported.”

Nangako rin ang aktres na ibabahagi niya sa madlang pipol ang kanyang mga naging pinagdaanan at patuloy na pagdaraanan sa kanyang buhay bilang ina.

“Grabe, what a ride! I am becoming, I am evolving into — wait.. I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child, Deia. Biruin mo yun? A gift indeed. Thank You, Lord!” puno ng gratefulness na sabi pa ni Iza.

Matatandaang noong Disyembre 2018 nang magpakasal sila ng asawang si Ben Wintle.

Samantala, nitong January 26 naman nang isilang niya ang panganay nilang anak na isinunod niya sa sikat niyang karakter na si Amihan sa Kapuso teleserye na “Encantadia”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Iza Calzado hindi feel magpa-gender reveal party, bakit kaya?

Iza Calzado may pa-sex reveal sa magiging baby: ‘Pretty soon I will have my own child…a little Mary Ann, a little Iza’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending