Iza di na takot ilantad ang totoong dahilan ng pagkamatay ng ina

Iza Calzado hindi na takot ilantad ang totoong dahilan ng pagkamatay ng ina

Ervin Santiago - February 26, 2025 - 11:38 AM

Iza Calzado hindi na takot ilantad ang totoong dahilan ng pagkamatay ng ina

Iza Calzado

Trigger warning: Mention of suicide

SA kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ng award-winning actress na si Iza Calzado sa publiko ang naging epekto sa kanya ng pagkamatay ng inang si Mary Anne Ussher.

Pumanaw ang nanay ni Iza taong 2001 ngunit noon lamang 2019 ipinaalam ni Iza sa publiko ang totoong ikinamatay ng pinakamamahal na ina.

Sa guesting ng aktres sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, February 25, diretsahan niyang sinabi na, “I lost my mother. She died by suicide.

“And, wow, I didn’t realize it would carry that weight still, but yeah, I don’t say it proudly. I don’t want to attach anything to it except truth and grief, of course,” pahayag ng aktres at bida sa horror film na “The Caretakers” under Rein Entertainment at Regal Entertainment.

“My mother was sick. She was bipolar. She battled with this since I was a child. Bata pa lang ako, nakikita ko na ang laban ng nanay ko.

Baka Bet Mo: Iza Calzado umaming natakot mabuntis at magka-baby nang mamatay ang ina

“I didn’t understand it the way I understand now, but I had to face (kundisyon ng ina) day in and day out,” sabi ni Iza.

Napakasakit din para sa kanya na marinig sa mga tao kapag tinatawag na “baliw” ang kanyang nanay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)

“Mahirap pong karga ‘yun kasi may shame ‘yun eh, may takot at shame na kasama ‘yun. Doon sa shame na ‘yun, hindi ko din siya maintindihan, it was embarrassing to hear that pero now you can’t even say that anymore. It’s no longer politically correct. It is not human to say that,” aniya pa.

Sa pagharap at paglaban niya sa lahat ng mga pagsubok, “Naging mas matatag ako. Alam ko, dahil sa lahat ng pinagdaanan ko bata pa lang ako, hindi lang sa pagkamatay ng aking nanay, kung hindi sa pinagdaanan namin bilang pamilya.

“I really chose to believe that I will do everything that I can to have a better path than my mother, whatever that takes.

“Deliberate, conscious work and sometimes the subconscious still wins. Tao lang po ako. Lahat tayo we fight with our own demons inside.

“It’s a war, it’s a war that happens inside us, and lagi ko lang kinakapitan ‘yung light ’cause we are made of light. Kaya laban talaga, laban lagi,” pahayag pa ni Iza.

Sa tanong ni Tito Boy kung hindi ba siya natakot na isapubliko ang pagpapakamatay ng kanyang nanay, “I think nu’ng 2019, ‘di na ako ganu’n katakot kaya ako nagsalita na at I was in a better place to share it, and it was the best, I guess the best way to share it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa raw sa mga dahilan kung bakit wala siyang lakas ng loob na magkuwento noon, “I was new in the industry. What do you see? How do you see that? I didn’t, in the beginning, want to build a name based on that ’cause you will be branded as that. That was to be your story. Nanay niya ay…”

Kapag may nagtatanong noon kung nasaan ang nanay niya, ang sinasabi niya palagi ay pumanaw na ito, pero hindi na siya nagbibigay ng mga detalye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending