Harry Roque napahagulgol sa asylum application: Wala nang tagu-tago!

Former presidential spokesperson lawyer Harry Roque. | PHOTO: Senate Public Relations and Information Bureau
AABUTIN ng mahigit isang taon ang pagproseso sa asylum application ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Mananatili raw siya sa Netherlands habang hinihintay ang resulta ng kanyang aplikasyon at hindi raw siya magpapa-deport pabalik ng Pilipinas.
Ito’y matapos nga siyang magtago ng ilang buwan sa bansa dahil sa nakaambang pag-aresto sa kanya ng House of Representatives.
Nagdesisyong magtago si Roque nang maglabas ng kautusan ang Kongreso na arestuhin siya matapos hindi sumipot sa imbestigasyon ng Quad Committee dahil sa umano’y koneksyon niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Baka Bet Mo: Harry Roque laglag sa defense team ni Duterte, VP Sara pinauuwi na ng ama
Sa interview ng media kay Roque sa The Hague nitong nagdaang Biyernes, March 28, kinumpirma nga nitong isa’t kalahating taon ang itatagal ng kanyang hinihiling na asylum sa The Netherlands.
“Hindi na ako mapapa-deport pabalik ng Pilipinas hanggang hindi matapos ang aking aplikasyon. Ang process ng application it takes about 1.5 years,” pahayag ni Roque.
Sabi pa ng dating spokesperson ng Malacañang, literal na napahagulgol siya sa pagpirma ng kanyang asylum application matapos ang halos kalahating taong pagtatago sa Pilipinas.
“Dito na muna ako. Wala nang tagu-tago. Kaya nga nu’ng pumirma ako ng aking asylum application napaluha talaga ako. Napahagulgol.
“Kasi sabi ko ‘first time in a six and a half month hindi na ako nagtatago sa mga bangag,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.