Asylum ni Harry Roque sa Netherlands sure na sure raw na madedenay kung…

Harry Roque
MATAPANG na naglabas ng suggestion si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa lahat ng gustong humarang sa asylum application niya sa Netherlands.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Roque na tanggalin umano sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ikulong ang New People’s Army (NPA) para hindi maaprubahan ang kanyang hinihinging asylum.
“Sa mga gusto i-block ang asylum ko: tanggalin nyo si Marcos at ikulong lahat ng terroristang CPP-NPA! Sure na sure na ma deny ang asylum ko! Pls!” ang mababasa sa FB status ng kaalyado ni former President Rodrigo Duterte.
Nito lamang nagdaang linggo, ibinida ni Roque na nakapag-submit na siya ng application for asylum sa Netherlands matapos siyang tanggalin bilang legal counsel ni Duterte sa paglilitis sa kanya ng International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang Facebook live nitong Huwebes, March 20, inamin ng abogado na tapos na siyang mag-apply at inaantay na lamang niya ang kanyang interview.
View this post on Instagram
“Lilinawin ko po na ako po ngayon ay isang asylum seeker dahil nakapag-apply na po ako for asylum. Ang inaantay ko lang po ay ‘yong kauna-unahang interview na kabahagi na ng application process.
“‘Yung mere fact na nag-apply ako, ayan ‘yong nagbigay sa akin ng karapatan na hindi na ako pupwedeng mapabalik sa Pilipinas.
“Maski pa kumuha sila ng warrant of arrest, mag-file ng extradition eh malinaw po ‘yan dahil ito po ay matter of convention rights,” sabi ng abogado.
Ani Roque, kapag bumalik raw siya sa Pilipinas ay ikukulong siya sa kasong human trafficking na wala naman daw ebidensya.
May arrest order na inilabas ang House quad-committee laban sa dating presidential spokesperson dahil sa hindi na muling pagdalo sa pagdinig kaugnay ng ilegal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Narito naman ang mga reaksiyon ng netizen sa FB post ni Roque.
“Atty laban lng sir alam nmn namin kung sino talaga ang masasama d yan sila mag tatagumpay — sure na yan atty — we love and care about you n your family. this to shall pass and mag kakaganti din tayo — be strong atty andito kami sa tabi mo.”
“Mr. Harry Roque, mismong si Sara Duterte na nag-clarify that you aren’t even part of their legal team. You simply aren’t significant enough.”
“Feeling relevant ka naman para maging target!”
“Praying for you Sir. All is well.”
“Laban lang sir!”
“Hindi kasi kayo marunong silent move,same kayo ni VP kaya naiisahan kayo palagi.”
“Political asylum is reserved for victims, not perpetrators/enablers, of political persecution such as yourself. Isaksak mo yan sa kokote mo!”
“Avoid po divulging strategies para they will be caught in surprise its important po yun to win the game. put reservations what you open sa public, the enemies are stalking their enemies got to b careful.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.